^

PSN Showbiz

Kathryn marami nang nabiling lupain, mas naging daring paggising nung birthday

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Kathryn marami nang nabiling lupain, mas naging daring paggising nung birthday
Kathryn Bernardo
STAR/File

Marami-rami na rin palang na-acquire na property si Kathryn Bernardo.

Ito ang narinig kong usap-usapan tungkol sa actress. Pinupuri ito dahil ang husay pala nitong humawak ng money at hindi basta ginagastos lang sa mga luho, pinambibili raw talaga nito ng mga lupain, sa guidance ng kanyang inang si Min Bernardo.

Anyway, daring / hotness ang actress sa kanyang 29th birthday kahapon.

Ang unang post niya at naka all-black na bra top and bikini bottom. Kita ang kanyang toned abs.

Sexy ang dating. Tho naisingit niya ang kanyang endorsement. “Welcoming my 29th with a midnight snack,” ayon sa kanyang post.

Kaya naman kahit ang kanyang mga kapwa sikat na celebrity ay napa-comment talaga.

Sunod niyang post ay ang white two piece baby bra top and white bikini.

Mas daring ang pictorial niya sa kama. Aniya “Woke up as a 29-yr-old.”

More than half million na ang likes nito habang sinusulat namin ito.

May hot ang third posting niya ng two-piece bikini. Mas mataas ang cut nito.

Last weekend ay gumawa si Kathryn ng ingay sa Bench Body of Work fashion show.

Lalo na ang kanyang instant chemistry kasama si David Licauco at dance challenge kasama ang SB19 na nagpa-happy sa kanyang followers.

Si Kathryn ay nagbida sa blockbuster hit na Hello, Love, Again noong 2024 na kasalukuyang pinakamataas na kita na pelikulang Pilipino of all time. Katambal niya rito si Alden Richards pero diumano’y malabo na ulit silang magtambal sa pelikula. Totoo kaya ‘yun?

KATHRYN BERNARDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with