^

Metro

Bebot timbog sa P6 milyong shabu

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang babae nang makuhanan ng mahigit P6 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City nitong Huwebes ng madaling araw.

Sa report na tinanggap ni Quezon City Police District (QCPD) Director PCol. Melecio M Buslig, Jr., nakilala ang suspek na si alyas Muharram, 24, residente ng Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Si Muharram ay nadakip ng mga tauhan ng Batasan Police Station (PS-6) sa pamumuno ni PLt. Col. Romil Avenido sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), bandang alas-5:30 ng umaga kahapon sa Brgy. Banal na Espiritu.

Lumilitaw na isang pulis ang nagsilbing buyer ng P 90,000 halaga ng shabu at nang matanggap ang pre-arranged signal, agad na dinakip ang suspek.

Nakumpiska sa suspek ang 900 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P6,120,000.00; cellular phone; dalawang pirasong gold Chinese tea bag at ang buy-bust money. Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri naman ni Buslig ang mga tauhan ng Batasan Police Station 6 sa pamumuno ni Avenido dahil sa patuloy na paglaban sa illegal drugs na indikasyon na hindi tumitigil ang kapulisan na sugpuin ang krimen at illegal activities sa lungsod.

“This accomplishment highlights the QCPD’s Active stance, a core component of the ARD, NCRPO initiative—Able, Active, and Allied—in taking bold and proactive measures to enhance crime clearance and solution efficiency for a safer and more secure Quezon City,” ani Buslig.

QUEZON CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with