^

Bansa

Torture videos inilantad sa POGO probe

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Torture videos inilantad sa POGO probe
Ilan sa torture videos na nilantad sa isinagawang hearing kahapon ng Kamara sa POGO. May katabing ulat.
STAR/File

MANILA, Philippines — Iba’t ibang klase ng torture at pang-aabuso ang nalantad sa pagsisimula ng pagdinig ng Kamara sa mga krimen na iniuugnay sa operasyon ng Philippine Offshore ­Gaming ­Operations (POGOs) nitong Miyerkules.

Halos hindi naman masikmura ng mga mi­yembro na panoorin ang mga video ng torture na nakunan sa mga POGO hubs sa bansa. Kabilang sa mga ipinakita ay isang babae na pinagpupukpok ng metal pipe sa ulo at katawan, isang lalaki na kinukuryente, isang nakahubad na pinagpapalo rin ng matigas na bagay.

Nasa 5 clips ang ipinakita kung saan napilitan si Lanao del Sur 1st District Zia Alonto Adiong na pigilan na ang panel sa pagpapakita sa torture videos dahilan naka-livestream ang pagdinig at baka may mga batang makapanood nito.

Sinabi ni Fernandez na may sexual torture kung saan pinaparusahan ang mga hindi sumusunod pero dahil hindi na ito masikmura ng mga miyembro ng panel ay hindi na ipinakita pa ang maselang video.

“We have seen a lot of videos, I have seen, others you cannot take anymore, especially on the abuse on the sexual torture. Siguro [Perhaps] we have shown already a lot, siguro [perhaps] we can stop on that,” ani Fernandez.

Isa naman sa mga biktima ng torture ay humarap sa pagdinig kasama ang apat na iba pa na nasagip ng mga awtoridad. Ang mga ito ay nakasuot ng kulay itim na bonnet na tinakpan ang mga mukha para protektahan ang kanilang pagkatao.

Sinabi naman ni Leyte 4th District Rep. Richard Gomez, na nakakakilabot man ay krusyal na ipakita sa publiko ang nasabing mga video para maramdaman ng mga ito ang dinanas na paghihirap sa torture sa POGO hubs.

Isinaad naman ni Presidential Anti-Orga­nized Crime and Corruption (PAOCC) Spokesperson Winston Casio na ang mga POGO employees ay isinasailalim sa torture kapag pumapalpak ang mga ito sa gawaing kriminal gayundin kapag pinaghihinalaan ang mga ito ng kanilang mga boss na nagle-leak ng impromasyon sa mga awtoridad hinggil sa kanilang illegal na operasyon.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with