^

Metro

3 ‘hacker’ ng government at bank websites, timbog ng NBI

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
3 �hacker� ng government at bank websites, timbog ng NBI
Artist rendition of cyber hacking.
Pixabay/Franz26

MANILA, Philippines —  Naaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong indibidwal na umano’y nasa likod ng pag-hack ng iba’t ibang websites ng mga ahensiya ng gobyerno at mga bangko.

Nakumpiska ng NBI mula sa mga suspek ang mga scripts at database na naglalaman ng impormasyon ng mga local government units at ibang government websites tulad ng Philippine Army, Philippine Navy at National Security Agency na ilan sa mga napaulat na na-hacked ang websites kamakailan.

Nakuha rin  ng NBI ang data at security credentials ng limang bangko.

Ayon kay NBI Cybercrime Division chief Jeremy Lontoc, ang mga nadakip ay isang IT officer ng isang media outlet,  isang cyber security researcher ng isang kumpanya at isang graduating student.

Inginuso naman ng naarestong IT officer sa NBI, ang isang IT editor ng Manila Bulletin na si Art Samaniego na siyang nag-utos umano sa kanya na i-hack ang ilang government websites sa bansa.

Sinabi ng IT officer na na-hacked niya ang ilang websites sa utos ni Samaniego upang ito umano ang gamitin ng huli sa kanyang kolum at social media platforms.

Lumalabas na ang tatlong suspek ay mga miyembro umano ng hacking group na “LulzSec”.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 at Data Privacy Act of 2012 ang tatlong nadakip na suspek.

Ayon sa NBI, kaka­suhan din nila ang Manila Bulletin editor na si Samaniego.

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with