^

Entertainment

'Mahal ka po namin': Coco Martin turns emotional at eulogy for Susan Roces

Jan Milo Severo - Philstar.com

MANILA, Philippines — Kapamilya actor Coco Martin turned emotional while delivering his eulogy at the wake of 'Queen of Philippine Cinema' Susan Roces. 

In Sen. Grace Poe’s Facebook Live, it was seen that Coco shared he never expected that Susan would pass away because she’s still strong when he last saw her. 

"Honestly, hindi ko po talaga alam kung ano ang sasabihin ko ngayon. Talagang shock ang nararamdaman ko kasi hindi ako makapaniwala na mangyayari ito dahil alalang-alala ko ang pagkikita namin ni Tita Sue na ang lalakas lakas niya, ang saya saya niya. Siya ang nabibigay sa amin ng inspirasyon para ipagpatuloy namin 'Ang Probinsyano' dahil lagi niyang sinasabi na nakakapagbigay kami ng ligaya at inspirasyon sa bawat Filipino," Coco said. 
 
"Ang akala ko, ang isa sa pinakamasakit na mararamdaman ko sa industriyang ito ay noong namatay si Tito Eddie (Garcia). Para kaming napilayan kasi nga lolo namin 'yon. Parang hindi namin akalain na habang ongoing 'Ang Probinsyano' kahit hindi na namin siya kasama noong mga oras na 'yon ay masakit para sa amin. Kasi sobra namin siyang inalagaan, sobra naming bina-value kung ano ang na-contribute niya sa industriya. And then ngayon, hindi ko akalain na ang isa sa mga pinaka-espesyal at malapit na malapit sa buhay ko lagpas sa trabahong ito ay mangyayari ang bagay na ito," he added.

Coco said that he didn't see the veteran actress as just a co-worker, but a family member. 

"Kasi si Tita Susan hindi ko siya katrabaho, hindi katrabaho lang ang tingin ko sa kanya. Malalim ang pagtingin, pagmamahalan at respeto namin sa bawat isa. Kaya lahat po ng mga sinasabi niya ay dinidibdib namin. Kasi para po sa amin na mga katrabaho niya at ako bilang apo niya sa industriya sa lahat ng mga aktor na kasama ko, directors, sa lahat ng crew and staff 'yung words of wisdom na sinasabi niya po sa amin ay totoong tumatatak sa puso at isip naming lahat. Dahil napakapalad po namin na nakatrabaho po namin siya. Kasi alam niya lahat eh, pinagdaanan niya na yan," he said.

The action star also said that he first worked with Susan in the teleserye “Walang Hanggan” and since then, he became comfortable with her. 

"Kasi nakikita niya na hindi ako kumportable bilang isang artista kasi sinasabi ko, kapag nakakakita na ako ng medyo sosyalan, kapag nakikita ko na medyo nagi-Inglisan na para akong natso-tsope kasi nga po alam naman ng lahat 'yon na hindi ako marunong mag-Ingles. Kaya sabi sa akin ng aking lola, hindi importanteng pagi-Ingles at hindi 'yan ang magiging batayan para respetuhin ka ng tao. Ang importante ay marunong kang humarap sa tao na may dignidad," he said.

"Ang importante ay totoo ang sinasabi mo at nasa puso mo. Ang mas mahirap ay hindi ka marunong mag-Tagalog at nasa Pilipinas ka, hindi ka magkakapera. At naniniwala po ako roon, kaya mula noong sobrang naging tight kami," he added. 

Coco also said that it was Susan that educated him the value of hard work. 

"Siya po ang nagturo sa akin ng hard work at ang hinding-hindi ko makakalimutan na itinuro sa akin ni Tita Susan ay mahalin ang kumpanya na pinagtatrabahuhan ko, dahil ang kumpanya na pinagtatrabahuhan namin ay ang nagbibigay ng trabaho sa maraming tao," he said.

"At 'yung pakikipagkapwa mo sa kapwa artista mo maging maliit man 'yan o maigng superstar man 'yan dapat pantay-pantay. 'Yun po ang values na itinuro sa amin ni Tita Susan at sa lahat po ng mga katrabaho niya, mapabata, mapamatanda, mapa-veteran actors lahar po kami sa 'Probinsyano' at kahit sa 'Walang Hanggan' ay nagmamahalan dahil sa values na itinuro sa amin ni Tita Susan Roces at 'yun po ang hindi hindi ko makakalimutan sa tanang buhay ko nabitbit ko po hanggang ngayon," he added.

At the end of his speech, Coco assured Susan that the cast of “Ang Probinsyano” will never forget her.

"Kaya 'La kung nasan ka man po ngayon, gusto ko pong malaman na lahat kami na nandito ay sobrang-sobrang mahal ka po namin at hinding-hindi ka po namin makakalimutan habang-buhay. I love you," he said.

RELATEDSusan Roces passes away at 80

STARRING COCO MARTIN

SUSAN ROCES

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with