‘Face Mask Flashback!’
Ngayon ko lang naalala na nung magpunta
Ang Dabarkads sa Dubai upang mag-show pala,
Noong gitna ng November, Twenty Nineteen pa,
Sa favorite shop ko may face mask nang tinitinda!
Ngek! Korek, one of the items on display na sya!
Katabi ng wallets, card holders, et caetera,
Nasosyalan pa nga ako’t expensive din ba,
‘Di akalaing pang-social distancing pala!
Naturalmente wala pa ‘ko nung malisya,
Ano bang malay kong after four months I’ll need sya!
At magiging parte na ng ating pagporma!
Marcelo Burlon ang brand nung face mask nga pala!
Eto yung may Wings print madalas sa T-shirt nya
Na kinabaliwan ko’t maganda talaga!
At nung January nang sumunod na taon na,
Wings na ng Cathay at sa Hong Kong na papunta!
Yes, para mag-shopping ng Marcelo Burlon pa
Kasabay ng Banksy exhibit ipinunta,
Noon at doon pa lang ay kapuna-puna
Na marami nang tao ang naka-face mask na!
Ngayon ko naisip na kamuntik na pala
Abutan kami dun ng problemang pandemya!
Ngek! Mantakin nyo at sa ibang lupain pa!
Kung bukas mga shopping stores okey lang sana!
At yun nga nangyari at naiba istorya,
Natigil bigla ang aking mga romansa
Kay Marcelo at sa pagba-viaje na muna,
Masakit sa bucket list, matipid sa bulsa!
Kung kaya ang buhay ngayon pansamantala,
Balik muna’t muli sa lumang kamiseta!
Wala munang shopping, sometimes pati shaving pa!
Tago muna passport pati mga Rimowa!
At nilabas mga gamit sa pagpipinta
At ginawa kong subject halos puro lang Sya!
Pinagsabay ang painting and praying kumbaga!
Asiwa naman kasi kung dasal at zumba!
Acrylic gamit ko, sa tubo at garapa,
Pati ini-spray na pintura sa lata!
Kaya nga ang dasal nasa painting talaga,
Lalo kapag sinabi kong, “LET US SPRAY NA!”
Akalaing magkakalahating taon na!
Fried pigeon at roast pork ng Hong Kong miss nang sobra!
Hindi na bale Europa at Amerika,
Ingay at ilaw ng slot machines sa Macao pa!
Tai Lei Loi Kei Pork Chop Bun lang nagkaayos na!
Eh yung Suckling Pig and bread ng Fernando’s pa? Wahhh!
Our Lady of Mount Carmel kami nagsisimba,
At doon din kami ni Eileen pinag-isa!
Hindi sa emosyon nyo ay iniintriga,
But miss na rin to wake up from some foreign kama!
Breakfast in a Canton Road hotel sa umaga!
At hu, hu, hu… Shanghai or Hairy Crabs syempre pa!
Miss ko na rin ang Japan at ang Matsusaka!
Sa pagtulo ng laway sabay din sa mata!
Hu, hu, hu uli, sakura pati tempura!
At syempre pag nag-shopping, “Ikura desu ka?”
Ipagpaumanhin nyo aking pagdurusa,
Marami rin sa inyo ang aking kaisa,
‘Di nyo lang maibulalas at maisuka,
‘Di tulad kong dito sa ngayong binabasa!
But in truth eh dinadaan lang sa pagtawa,
Mga napuntahan na la’y inaalala,
Ang hindi ko alam eh kung tayo’y the same ba,
Ako ay may photo album library basta!
Well, ang magagawa pa natin ay ano ba
Kung hindi sa protocols sumunod na muna,
Pag wala na pandemya ang dasal kong una —
Pagpunta ng airport sana’y walang rayuma!
- Latest
- Trending