^

Entertainment

‘Isra pa…with pilgrims!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
‘Isra pa…with pilgrims!’
The Saxum Pilgrimage 2019 group headed by Father Jim Achacoso in Ephesus, Turkey

Noong Linggo dito ay inyong natunghayan —

Nag-bikini sa Dead Sea si Pia at Luane!

‘Di ako sumama pagkat iniiwasan,

‘Wag na’t baka tao’y sabihin ano na lang!

 

Mag-bikini sa Dead Sea ay okey lang naman,

‘Di n’yo nga maitatago’t kayo’y lulutang!

At saka maligo ‘di naman kasalanan,

It’s ASIN ay sapagkat maalat tubig lang!

 

Mga Dabarkads hindi ko nun sinamahan,

Oks naman daw paliligong ‘yan sa Holy Land!

Medyo may “kabanalan” nga raw ang kodakan

Sapagkat isang pari ang photographer n’yan!

 

Ngek! Kaya nung October 4 ay ako naman

With Eileen sa Israel ay nag-I shall return!

Kasama our daughter Jocas na first time pa lang,

Saxum Pilgrimage group ang aming sinamahan!

 

Isa pa with feelings aking nararamdaman,

Marami nang masakit sa buong katawan!

Mahahabang viaje akin nang tinantanan

But Isra pa…with pilgrims…Israel here I come!

 

At kami ang “First Family” na naturingan,

Una kami sa viaje ibig sabihin n’yan!

Pero ang nangyari ay tatlong lipad naman —

Dubai, Istanbul, Tel Aviv — Shalonpas Shalom!

 

Sa tuwing sa Istanbul ay mapapadaan

Ay ‘di maiwasang maalala Starzan!

Ang tatlong pelikulang aking ginampanan

Dahil theme song ay “Istanbul” pinanggalingan!

 

“Istanbul not Constantinople” ang orig n’yan,

“It’s Istanbul not Constantinople” ang next d’yan,

Mine naman, “Starzan Hari s’ya kagubatan…”

Ang punch line, “Starzan pero hindi s’ya tapang!”

 

Dumating kami halos na kinabukasan!

Dahil anak ko Dead Sea gustong maranasan,

Kahit may aray pa ay aming sinamahan!

Tumanggap na naman kami ng Herod’s welcome!

 

Brown Beach House, Tel Aviv naman ang tinuluyan,

Naturalmente puro beach kapaligiran!

Lumayo pa nang two hours upang lumutang lang!

At ang matindi pa ay para maputikan!

 

Pagbalik sa public beach ay nagliparan

Ang mga electric scooters kaliwa’t kanan!

Patayo angkasan, walang helmet pa naman!

Hinihintay ko na lang ang mga sesemplang!

 

The next day dumating na ibang kasamahan,

Fifty-seven ang lahat na magho-Holy Land!

Diretso agad sa Church of the Annunciation!

Sunod na anunsyo… oras ng kainan!

 

Nang sumunod na araw ay sa Cana naman,

Tila ba kami ay nasa kasalang bayan!

Sa renewal of vows ring exchange iniwasan

Dahil later daw diamond ring gift ni husband!

 

Op kors sinalubong ‘yan ng pagtatawanan

Pero ‘yung ibang misis ‘yay inaasahan!

Kaya sa Beatitudes after meditation,

I said, “Blessed are the poor… and diamonds they have none!”

PILGRIMS

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with