‘Dinasal, Exalted Butter eat iba pa!’
EAT days este, EIGHT days before the BIG DAY na nga,
Kaya let us drink to that! Tayo ay tumungga!
Ops teka, baka kung “drink” lang ay makasama,
Let’s EAT to that na rin nang sikmura matuwa!
Dahil Anniversary Month ng Eat Bulaga,
Pagsaluhan natin ngayon tungkol sa CHI-CHA!
Mga sarap at ligaya ng ating dila,
At nagdadagdag-buhay sa bawat pagnguya!
‘Yun bang mga simpleng pagkain sa panlasa,
Lasang “mataas ang halaga” kahit mura!
O kaya ay kombinasyon na kakaiba,
Kung minsan nadidiskubrehan mo nang tsamba!
Tulad nung isang araw at masarap pala
SARDINAS at INASAL kapag pinagsama!
Munggong may Chicken Feet kinalimutan muna,
“DINASAL” ang bago at tunog religious pa!
Pero ang isang paborito ko talaga;
‘Yun bang matindi ang gana ko ewan ko ba –
BREAD and BUTTER lang, tinapay at mantekilya!
Kape o Coke na malamig lang eh ayos na!
Kaya lang ‘yung butter ko dapat SALTED basta!
Hay naku, basta SALTED… EXALTED talaga!
Lalo na ‘yung butter natutunaw-tunaw pa!
Sa sarap… napapapikit… napapamura!
Mga iniipit sa sandwich marami na —
Dirty Ice Cream at pancit at syempre pa… TORTA!
Natirang menudo’t embutido ri’y ubra!
Kung medyo gagasta eh di WAGYU na tapa!
Teka, dun sa Fernando’s sa Macao alam n’yo ba?
LECHON sa tinapay aprub ipalaman s’ya!
Itlog na maalat din puro nga lang pula!
Kahit NO palaman basta HOT ay pwede na!
At dahil sa haba’t tagal na ng aming show,
Karapatan na ring magdeklara siguro —
PINAKANG mga SIMPLENG EATS na natikman ko!
‘Di man n’yo tanggapin eh kanya-kanya tayo!
‘Wag nating pag-usapan mga lugar dito
At malamang magdulot pa ng pagtatampo!
Alam n’yo naman tayong mga Pilipino,
Kaya tayo ay lumayo… sa Hong Kong tayo!
Aprub! Kumbaga sa SALE ay FINAL na ito!
Unless pagdating ng panahon may tumalo!
Wari lang Eat Bulaga… go, habulin ninyo!
Mga matatakaw hatol ko’y nariririto!
Ang THE BEST na FRIED RICE ay nasa MOTT 32!
The Grandmother of all YANG CHOW ito siguro!
Pag hindi masarap ay pasasampal ako!
On second thought ililibre ko na lang kayo!
Pagdating sa DIMSUM … and the winner ko’y ito ---
The same pareho! ‘Yun pa ring sa Mott 32!
Ops, ‘di ako “bayaran” baka akala n’yo!
Gusto ko lamang i-share mga na-enjoy ko!
One of the reasons ‘to kaya paro’t parito!
Makakapagpapatunay kumain na rito!
Kaya remember Fried Rice and Dimsum … TRIVAGO
Este, pagpunta n’yo ng Hong Kong… Mott 32!
- Latest
- Trending