What’s your favorite childhood snack?
As kids growing up, we all had our favorites — be they games, school subjects, or seatmates. The snacks we liked were also subjective. They were our favorites because they could easily be bought at the sari-sari store, canteen or friendly vendor, they were quick to put together, or they evoked memories of home cooking. We polled some of our Kapuso stars about their favorite childhood snacks and grouped them accordingly.
• Readily available treats
Ricky Davao — Cheese Curls. Iyon ang available kasi noong kabataan namin. Gusto ko rin ng Choc-Nut.
Tina Paner — Cheese Curls. Kasi natutuwa ako sa lagayan niya dati.
Miguel Tanfelix — Haw Haw candy because I like the idea of milk turned into candy.
Barbie Forteza — Iced gems. Ang favorite ko kainin doon ‘yung icing sa taas. Natutuwa ako na tinutunaw ko muna siya bago ko siya kainin.
Derrick Monasterio — Nooda Crunch. Kasi ang sarap nung noodles na hindi pa luto tapos dudurugin mo. Ang saya kapag ginagawa ko ‘yun.
Lyn Ching — Hanggang ngayon kinakain ko pa rin, potato chips. Kasi naka-wrap na, kukuha ka na lang ng soda, okay ka na.
Rhea Santos — Gatas at chocolate chip cookies. (Ito yung kinakain ko) In front of the TV. Pagkagaling na pagkagaling ko sa school, salampak sa couch, taas ng paa — fresh milk and chocolate chip cookies.
• D.I.Y. snacks
Mikael Daez — Pandesal and condensada dahil ‘yun lagi ang nasa pantry sa bahay.
Megan Young — Pancit canton na nilalagay sa bread. Madali kasi siyang gawin at lagi kaming may pancit canton sa bahay dati.
• Classic Pinoy favorites
Manilyn Reynes — Paborito ko talaga ang manggang hilaw.
Nova Villa — Butong pakwan kasi mahilig akong magkutkot.
Gladys Reyes — Hindi ko makakalimutan yung ginataang bilo-bilo. Iyon ang prize namin pag natulog ako ng tanghali. Kasi pang mas Filipino yung taste ko at medyo may pagka-sweet tooth din ako.
Juancho Trivino — Turon and taho. Mahilig kasi ako sa matamis. ‘Yung taho kasi araw-araw may dumadaan sa tapat ng bahay namin. ‘Yung turon naman kasi favorite ko lang din talaga yung banana and sugar.
Bianca Umali — My favorite childhood snacks are fish balls, Iced Gems, ice candy, kwek-kwek and mais con hielo with extra evaporated milk.
Connie Sison — Taho. I like taho because it brings back very good childhood memories dahil every time may sumisigaw ng “taho!” sa village namin napapabili na ako niyan. Na-pass on ko sa kids ko, they also like taho.
Susan Enriquez — Nilupak. And there’s more — camote cue and banana cue. Sa probinsiya kasi iyon ang meron. Binatog pwede rin.
Ivan Mayrina — Turon and banana cue. Laking probinsiya ako kaya ‘yung meryenda namin dati, talagang luto ng nanay ko. At saka yung palitaw, paborito ko ‘yang palitaw na ‘yan. Basta home-made and prepared with love. At yung mga nilalako — mga kakanin kasi taga-Pampanga ako. Tapos nung medyo malaki na ako, goto, tokwa’t baboy.
Lawyer Gaby Concepcion — Minatamis na monggo. Ang ginagawa ng nanay ko ilalaga yung munggo, may asukal, then lalagyan mo na lang ng gatas. Ngayon pag kinukwento ko yan sa mga anak ko di nila ma-imagine na pwedeng minatamis ang monggo.
Mang Tani Cruz — Ginataang monggo. Masarap ‘yon tsaka ang ginagawa ng nanay ko, kapag ang ulam namin ay monggo, magtatabi siya and then lulutuin niya, ibubusa. And then magluluto siya nung malagkit na ginataan. Pangalawa ay lumpiang prito, ‘yan ang mga lagi naming kinakain dati.
Lhar Santiago — My favorite childhood snack is turon na may langka. I also love binatog, ginataang bilo-bilo and okoy. When my mom cooks snacks, talagang laging okoy. ‘Yun nga siguro naka-develop ng taste buds ko kaya mahilig ako sa mga merienda na medyo lasang ulam.
- Latest
- Trending