^

Entertainment

‘Tough Hits 2017’

STARTALK - Joey de Leon - The Philippine Star
‘Tough Hits 2017’
Now is the year of that painting by Antonio Austria (above). Ang Poet N’yo was born in the year of that Ang Kiukok painting (below)

Dahil kahilingan ng mga mambabasa,

Narito ang ilang katuwaa’t patawa…

At ubrang tulain o awitin nga pala,

Kung kanta’y sa himig ng “Ang Sabi Ng Iba”!

 

Ang sabi ni Eba kay Adan nung una,

“Ano nakalawit doon sa harap n’ya?”

Ang sabi ni Adan ay dahon at sanga

At d’yan manggagaling… ating mga bunga!

 

Ang sabi ni Eba paglabas ng bunga,

“Ano nakalawit doon sa harap n’ya?

Ano ba tawag dya’t kumakalembang pa?”

Oh yeah, that’s A BELL!  At naging pangalan n’ya!

 

Ang sabi ni Eba gusto pa n’yang bunga

Kaya nagkaroon pa ng pangalawa,

Basta ‘wag lang CAIN sabi ng babala,

Pero Cain pa rin tinawag ni Eba!

 

Ang sabi ni Eba tigas ang ulo n’ya,

Kahit bawal Cain, Cain pa rin siya,

Kaya ang nangyari pinalayas sila

At ‘di na natigil pagdami ng bunga!

 

Narito pa ilan at upang maiba,

Tonong “Doon Po Sa Amin” nakahulma,

At please lang walang pikon at s’yanga pala,

Bato-bato, ang tamaan… bahala na!

 

Doon pa sa amin Bayan ng Maita,

Merong dalagita ngalan ay Paquita,

Lagi lang s’ya sa bahay ayaw magpakita

Dahil daw sa kutis n’ya katas ng pugita!

 

May nagpayo sa kanya gumamit ng Gluta,

O anak ng Gluta! Sinunod agad n’ya!

Gluta araw at gabi, medyo yata sumobra,

At ngayon si Paquita… hindi na makita!

 

Doon pa sa amin Bayan ng San Roque,

Ang mga babae mas malalake,

Mataba at mabilog at puno ng alige!

Pag baha at may sunog… buhat si lalake!

 

Pagdating sa ligawan nagsisilbi’y babae,

Ang hinaharan si Pepe at Bestre,

Kung kaya ang lalake takot na mangaliwete

At ayaw na magpakain… dalawang elepante!

 

At para maiba maghalo-halo tayo,

Hindi panghimagas ang ibig sabihin ko!

“Doon pa sa amin” din ang unang line nito,

If you want to sing, “Ang Sabi Ng Iba” tono!

 

Doon po sa amin sa Bayan ng Buto,

Ay merong dog-lover pangalan ay Malou,

Meron s’yang alaga ang asong si Pluto,

Katabing matulog sa aircon na kwarto!

 

Sobrang love ni Malou ang pet n’yang si Pluto,

Espesyal food nito talo pa ang tao!

Minsan ay nabundol nag-panic si Malou!

Tinakbo n’ya agad sa beterenaryo!

 

Pero ang klinika noon ay sarado,

Sa taranta dinala kay Vicki Belo!

Tumanggi si Vicki ‘di n’ya linya ito,

Pinilit ni Malou kahit daw magkano!

 

Nagamot ang aso’t paglabas ni Pluto,

Parang mas beauty at sexy pa kay Malou!

Kitang-kita tumangos ang ilong nito!

At higit sa lahat… ang laki ng suso!

 

Ayon daw sa feng shui ang sabi ng iba,

Pag Year of the Rooster tyempo at maganda

Na tumilaok na at mag-out bakla ka,

Nangingitlog kaya’y NANG-IITLOG ka ba?

 

Ang sabi ng iba ang symbol daw ng gay

Ay ‘yung taon ngayon itlog ay nagle-lay,

Pag naglakad kasi parang nagba-ballet

At kasi nga sa kanila pag MANOK!

TOUGH HITS

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with