^

Entertainment

‘Errora Borealis’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Hindi dapat ito paksang pag-uusapan,

Ngunit dahil nung Linggo ay may kaganapan,

Sa sulok kong ito medyo nagkalituhan,

Diwa ng paliwanagan ating pagbigyan.

 

TAYTOL NG ARTIKOL ko nagkabaliktaran!

Imbes na “TIME FIRST” na meaning ay SANDALI LANG

Ay “First Time” ang naging title sa pahayagan!

O unang pagkakataon o karanasan!

 

Op kors magkaiba kanilang kahulugan,

Kung bakit nagkapalit ‘di ko na inalam,

TIME FIRST ang s’yang dapat, gamit nung totoy pa lang;

Nung nagte-TEKS pa at laman pa ng lansangan!

 

Sa TIME FIRST ay ubra ko ring pakahulugan —

PANAHON ANG UNANG ILAGAY SA HARAPAN!

At ‘yun naman talaga sa katotohanan

Ang sa sinulat nung Linggo ang nilalaman!

 

Nagkaron ng ERRORA BOREALIS kumbaga

Sa bokabularyo o Lengua de Vaklita!

Tulad nung Northern Lights nang una kong makita,

NALITO, NAGDASAL, NAG-THANK YOU, NAGMURA!

 

Wika nga’y nandun na yu’t wala nang sisihan,

He, he, he… sa susunod ay ingat na lamang,

May mga dalawang salita kasi naman

Iba na ibig sabihin pag nagsirkuhan!

 

Tulad ba ng KANIN BABOY at BABOY KANIN,

Aba, ‘yay magkaiba ang ibig sabihin!

Isa ay sa mga baboy pinapakain,

At ang isa naman ay baboy ang kainin!

 

Ang Eat Bulaga ay isang palatuntunan,

Ngunit pag Bulaga Eat… at iyong dagdagan

Nang ‘di bitin like, Bulaga Eat competition!

Iba na, kinakain na n’ya ang kalaban!

 

Kaya nga kasabihan ay “Ladies First” muna,

Kaya nga INA, TATANG ang dapat na porma,

Sapagkat nga kapag inuna n’yo ang AMA,

Magiging TATANG INA!  Magtutunog mura!

 

Sa dalawang pinakamaikli nga — I DO…

Sa kasal alam nating ‘toy TINATANGGAP KO!

Subalit subukan n’yong baliktarin ito,

Biglang magtatanong tila ba nalilito!

 

Pag sinabing TAKAW MATA ang isang tao,

Siguradong punong-puno ang kanyang plato!

Pero ‘di mauubos ‘yan ay asahan mo,

‘Di tulad ng MATA TAKAW, totoo ito!

 

Kaya kwidaw sa pwesto, ‘wag tayong alahoy,

Eh ‘yung sinadya ng mga pilyong lukutoy?

Ano pa de AMOY MELON at MELON AMOY!

Pinagpalit mo lamang bumantot na tuloy!

 

Ang ibig sabihin ng GREEN LIGHT ay GO, GO, GO!

O may OKEY ka na at ito’y APROBADO!

Pag na-LIGHT GREEN naman at nagkagulo-gulo,

Wow, ang lamig n’yan, meron ka pang ABOKADO!

 

‘Yun nga lang dalawang letra pag pinagpalit,

‘Yung kabuti-buting bati nagkakagalit!

O hindi ba pag ON kayo you are very sweet,

Baliktarin mo’t i-switch… NO na! Like a light switch!

 

Kaya nga maririnig mo pag may pagtatalo

Ang linyang, “Binabaliktad mo yata ako!”

May mga salitang pag nagpalit ng pwesto,

Nagiging iba na sa totoong sabi mo!

 

Meron din sa Taglish ubra pang magpakwela —

MOTHER TONGUE o INA TONGUE o wika mong una,

Ina Tongue pwede na ‘wag nang pagpalitin pa,

Sige subukan n’yo at magiging TONGUE INA!

 

GUESTHOUSE ay bahay at HOUSEGUEST ay isang tao,

OVERBOARD ay sumobra ka na’t umabuso,

BOARD OVER naman ay Sign-Off ka na sa radyo,

Now YOU SEE my punto? Until next EESYOU… SEE YOU!

That’s my daughter Jocas Eightria and the beautiful Aurora Borealis we all witnessed last Jan. 6 in Lapland, Finland. Thank you, God and thank you, Jako for this wonderful shot!

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG EAT BULAGA

AURORA BOREALIS

BULAGA EAT

FIRST TIME

JOCAS EIGHTRIA

KAYA

NBSP

PAG

QUOT

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with