^

Entertainment

‘Laglag — Lagnat’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

November 8, Sunday, to a new destination,

Pero kahapon lamang ay may DEHYDRATION!

Nalagyan ng dextrose at masakit pa roon,

Na-Take 3 ang tusok! Ugat ko’y nagbakasyon!

 

Not once, but thrice! Aray ko, masakit pala ‘yon!

Kinunan pa ng dugo I forgot to mention,

Pina-check ko na rin at baka DENGUE meron!

Ngek! Kasi nga may fever and while waitingtension!

 

Wala nang ISKUL pero may STOOL examination!

Because matindi Ang Poet Nyo’s EVACUATION!

Kaya nang lumabas na ang final decision

NO DENGS! CLEAR OVER-POOPOO-LATION! Celebration!

 

Habang Eat Bulaga ay nasa television,

Ako nama’y nasa Emergency Room noon!

Kinukunan din akopero blood donation!

At odor, este other side ko concentration!

 

Kahit hinang-hina akin pa ring intention

Ang humabol sa studio kahit knees ko’y not strong,

Kung kaya nga the next day, that Sunday afternoon,

Pumunta ‘ko ng STUDIO CITY! Sa Macau ‘yon!

 

Ops, ngunit ‘di ganon kadali nangyari ‘yon!

No Dengs and no germs nga pero fever pa’y meron!

‘Yung lagnat ko kasi’y because of dehydration,

Ngek! Paano na lulusot sa immigration?!

 

Eh kung may Temperature Sensors for detection?

Ma-quarantine pa ‘ko nang wala sa panahon!

Mahirap nang magsugal baka matyempuhan,

Magsusugal na lang sa Macau, ngek! ‘Wag ganon!

 

“If there’s a will, there’s a way.” — sabi sa quotation,

sabi ko naman gastos sa cancellation!

Binayaran na rin ang lahat ng hotel rooms!

Kung kaya nga LAGLAG-LAGNAT ang operation!

 

Kaya all the way all the ways plus medication!

In less than 18 hours my fever should be gone!

Kasama na ang dasal at full concentration

At ayaw ko namang maiwan nang HOME ALONE!

 

My darling guardian angel wife Eileen ay naron,

Hindi ako iniwan kahit na a second!

Thermometer lang ang referee and companion,

Here’s some laglag-lagnat tips for your information

 

Magpunas ng malamig sa buong katawan,

Magsuot ng medyas sa alcohol nilabhan!

S’yempre pigain, isuot at pabayaan,

Ulit-ulitin lang lahat at ‘wag tantanan!

 

Kung ‘di ba naman epektib bakit ba ngayon

Sa tingin ninyo tayo’y nagkakakwentuhan?

May BISA! Kahit walang bisa pupuntahan

Este, VISA pala at sa Macau wala n’yan!

 

Ang laglag-lagnat nga ay napagtagumpayan,

Ngunit TANIM-TSIBOG nalimitahan naman!

Dahil duktor mamantika pinagbawalan,

Huwag muna’t ihaw-laga muna ubra lang!

 

Pero sa Studio City Hotel ay tuluyan

Nang nawala ang aking mga dinaramdam!

Sa dami ng makikita’t mapapasyalan,

Dalawang oras bago mo s’ya maikutan!

 

Nandun lahat ang DC Comics na tauhan!

SOCK! BIFF! WHAP! Exciting ang Dark Flight Ride ni Batman!

May kambal na tsubibo, walang tsubibo ‘yan!

Golden Reel! Korteng otso, OTSOBIBO! Peksman!

 

May Riverscape, magic, more beautiful attractions,

May Little Senado, s’yempre libre tikiman!

But of course kung meron kang konting kahihiyan,

Sandamukal ang pupuntahan mong kainan!

 

Laglag-panga ka pag shopping pag-uusapan,

Mga slot machines pwedeng mag-charge may saksakan!

Kaya habang cell phone power nadadagdagan,

‘Di makaiwas ma-low batt bulsa sa laman!

That’s me and the Hollywood-inspired Studio City Hotel. Above is the world’s highest figure-8 Ferris wheel, The Golden Reel.

 

ACIRC

ANG

ANG POET NYO

DARK FLIGHT RIDE

EAT BULAGA

GOLDEN REEL

KAYA

MACAU

NBSP

QUOT

STUDIO CITY HOTEL

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with