‘Sa Tomorong Panahon’ (Back To The Future)
Ang nilalaman ng ngayong matutunghayan
Ay ‘di pamamaalam sa palatuntunan,
Of course not! To retire NOT! Merong problema d’yan —
WALANG DAY-OFF sa retirement kung ‘di n’yo alam!
Ngek pa more! Hindi, ito’y pasasalamat lang,
After 36 years tila pa ba nagisnan —
Pagsisimula muli ng palatuntunan,
Eat, Bulaga wari bang muling isinilang!
Iilan lang kasi ang nabibiyayaan
Ng pagkakataong ganito sa larangan
Ng telebisyon na aming ginagalawan,
Ang parang maramdaman uli sinimulan!
Kaya nga lang may iba nang mga tauhan,
Nung umpisa namin may ‘di pa isinilang!
Ka-edad ng Bulaga si Julia at Ryan,
Narun pa rin naman kami’t nagrerelaks lang!
Wala na nga kaming dapat na patunayan
Lalo sa ilang pag-ayon sa’miy kulang,
Sana na nga la’y ang nagawa’y mapantayan,
O kaya’y inyo pa ngang malagpasan … joke lang!
He, he, he … at hindi naman talaga joke ‘yan,
Hindi nga biro ang aming pinagdaanan —
Tatlumpu’t anim na taon at ‘di lingguhan!
ARAW-ARAW ITO O Dyos ko at mo naman!
Ang napakaganda nga lang na kaibahan —
Mukhang ang sinasabing “muling pagsisilang”
Sa aming mga nagsimula sa tanghalian,
Narito pa rin kami upang masaksihan!
Naturalmente ang sarap sa pakiramdam
Na makitang patuloy pa ang sinimulan
Sa kamay ng magagaling na kasamahan,
Maraming dekada pa ating aasahan!
‘Di na tsamba tawag d’yan kundi kapalaran
At lalong hindi ubra na nakaisa lang!
Baka nakaisa ngang 36 times, ganyan?
Umiisa at nang-iisa pa rin naman!
Nung nagbalik si Aiza sa palatuntunan
PAGDATING NG PANAHON muling naghiyawan,
SA TAMANG PANAHON si Maine at Alden naman,
Mukhang PANAHON kami’y kinakaisahan!
Pakiwari ng iba ito ay RENAISSANCE,
Wow! Sosyal pa more at ang sarap na pakinggan!
Basta kahit na ano pa itawag n’yo d’yan,
Maraming salamat! Ito’y makasaysayan!
‘Di lang ako’t marami na’ng napag-isipan —
Eksena sa hinaharap ating tunghayan —
Binata nang Baste may kinakapanayam
At director si Ryzza ng palatuntunan!
At ang mag-asawa nang Alden at Maine naman,
Kasama mga Lola at nag-ibang bayan
Sa kanilang palabas na pandaigdigan —
Kalyeserye sa France, Italy, Spain at England!
Ops, teka lang, studio atin munang balikan
Ang 56th Anniversary Presentation
Ng Eat, Bulaga at ang kinakapanayam?
Eh di TVJ na ngayo’y mga hukluban!
- Latest
- Trending