^

Entertainment

‘AlDub-Vine Intervention’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Maraming linggo na rin kaming nagdudurog

Ops, magkaliwanagan tayo’t hindi po drugs!

Nagdudurog o nagbabasag po ng records,

‘Di pala 5.8 million tweets ang tugatog!

 

Sapagkat nung Sabado nga n’yan na sumunod,

6.5 million tweets naman ang bumulabog!

At nung September 19 nangatog ang tuhod,

Kalabog nabugbog! Nagmistulang binatog!

 

Ehe! At bakit naman hindi’t ang nanood,

Kulang na lang sabihin eh pati nga tulog!

At ang dami ng tuwit na inyong hinandog —

More than TWELVE MILLION! Buong mundo’y napaluhod!

 

Isang buong araw lang ‘yun pumaimbulog!

Iba’t-ibang sahog sa pag-asa lang busog!

Wari bang pakakak ng anghel pinatunog

At ang lahat umindayog at napasunod!

 

Dahil ‘yan sa KALYESERYE at magsing-irog

Na sa’ming buhay na drama nakapaloob,

Kaya naman tagos sa puso at marubdob

Pasasalamat ng Bulaga here and abroad!

 

Nabiro ko tuloy na narito Pot of Gold,

Pagkat Bahaghari dito n’ya sinasahod,

Richard and Maine or RAIN, Bulaga ang kasunod,

RAIN ‘tsaka BU magiging RAINBU pag tinuhog!

 

Ngek! Pwede na ‘yan, wala munang magdadabog,

‘Sensya na’t sa nangyari’y lunod pa sa lugod!

‘Di ba napansi’t rhyming ko’y puro tunog GOOD?

Sobra lang in the mood, ibang rhyme na kasunod!

 

Ipagpaumanhin n’yong magtunog PALALO …

Palalo ay pagmamalaki … PA-MORE lang po!

Ngunit ito lang nama’y aking kuro-kuro,

Ito lang talaga laman ng aking puso!

 

LALO … HIGIT … MAS … MORE … ayan malinaw na po

Na d’yan nga nanggaling ang salitang PALALO,

‘Di s’ya masama, nangyayari lang ang tagpo

Kapag kapurihan umaapaw, malago!

 

Kalyeserye, sa palagay ng Ang Poet N’yo,

Ay PAGSISILANG MULI sa nakagisnang show,

Panibagong buhay baga kung inyong gusto,

Ops, not changing of the guards but ADDING po ito!

 

Magtunog pang palalo ay hayaan ninyo,

Ipagpalagay nang nasa Bundok Olimpo,

Hindi po guards kundi “gods” mga tao dito,

Aba eh kanya-kanya ‘yat ‘yan ang tingin ko!

 

Kaya hinahangaa’t tinitingala ko

Basta ba ‘di capital “G” ang god ko dito,

Kung ‘yung iba may lumilipad na Pegaso,

Dito’y diyoses at diyosa ng talino!

 

At dito naman papasok ang GOD talaga,

GOD na may Capital “G” sa unahan Niya,

Uulitin kong ang “buhay na pangalawa”

Kanya galing … ALDUB-VINE INTERVENTION baga!

 

S’YA na ang namahala, binaba sa lupa,

Isang napagandang himalang pabuya!

Basta na lamang ang lahat nagtama-tama,

‘Yan ang yakap ko ano man inyong akala!

 

Nais kong isiping ang aming Eat, Bulaga!,

Sa haba naman n’yay may mabuting nagawa,

Bilang sukli sa katawa’t isip na pata,

PANIBAGONG NGITI BIGAY NA PAGPAPALA!

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG POET N

BRVBAR

BULAGA

BUNDOK OLIMPO

ISANG

KAYA

LANG

NBSP

PAGKAT BAHAGHARI

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with