^

Entertainment

‘Room Service’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

May nasabi sa’kin nung buhay pa si father

Na parang naisulat na rin in this corner

“A good life is expensive. There is something cheaper,

But it is not life.” Hmmm… totoo naman ‘yun Sir.

 

May kasabihan ngang lahat ay mamamatay,

Ngunit ilan lang talaga ang “mabubuhay,”

Woh! Ngunit malawak ‘yan upang italakay,

Kitiran na lang at NO LIFE na rin si Tatay!

 

Kung sa kanya-kanyang sarap pag-uusapan

Ay merong nasambit tungkol d’yan si Mel Gibson —

“A good life is full of room service” ang tinuran,

He, he, he… Ang Poet N’yo ay umaayon d’yan!

 

At pag sinabing “room service” natural naman

Ay silid-tulugan ating pag-uusapan,

At s’yempre pa ang kanyang mga nilalaman —

Ang paliguan at himlayan na may unan.

 

At kaiba namang tunay ang pakiramdam —

Iba’t-ibang bayan, sari-saring higaan!

Ang Poet N’yo nga sa inyong kaalaman,

Nais kong kama ay mataas… hanggang bewang!

 

Sa paglalakbay ko’y dadalawa pa lamang

Mga pumapasa sa aking pamantayan —

Pwede na ‘yung kama sa Soho Hotel London,

But the winnerHOOTERS Hotel! Sa Las Vegas ‘yan!

 

Ops, ‘di dahil sa mga naka-orange shorts ‘yun!

At wala ring kinalaman buffalo wings dun!

Nag-iisa lang talaga taas ng kutson

At waring gagamit ka pa nga ng hagdanan!

 

Pag nanood ng TV parang balcony seats!

Pag gising, slide… tayo agad pagsayad ng feet!

Mas oks kung room meron nang dental and shaving kit,

At kung wala naman pwede namang mag-request.

 

And of course may service ng tsaa at kape rin,

At may bathrobe na malambot na susuutin,

At s’yempre pa mas maganda kung merong SAFE din,

Para “safe sex” pag cabinet naglabing-labing!

 

Ngek! At ‘yung mala-palasyo ay ‘di ko gusto,

Yun bang may chandeliers pa’t tila ba may multo!

Nayyy! Mga Boutique Hotels na ngayon ang uso

Sapagkat alam mo pang bago at mabango.

 

Naturalmente mas aprub ‘yung hotel ninyo

Kung merong mga Pinoy na nagseserbisyo,

Lalo na’t namukhaan ka’t tagahanga mo,

Mag-uuwi ng apat na bata de banyo!

 

He, he, he… nangyari na ‘yan sa L.A. it’s true!

Kaya nga isa pang maleta bumili ‘ko!

Nung minsan sa Macau ballpens binigyan ako,

Gusto ko nang hindian pagkat kilo-kilo!

 

Lalo na kung medyo mataas pa tungkulin

Ng ating kababayang Pinoy sa Housekeeping,

Minsan may nagpabaon sa’kin ng pagkain,

Para bang grocery ang binigay sa akin!

 

Madalas pag alak pinamimigay na lang

At kung minsan sa drawer na la’y iniiwan,

Dyahe naman kasi kapag hinihindian,

Kapalit lang naman malimit ay kodakan!

 

Madalas ‘yang minibar ang pinoproblema,

Naku, ‘yang maliit na ref na ‘yan kwidaw ka!

Lalo na ‘yang may sensors na pag na-touch mo na,

Pananagutan mo na, para s’yang dalaga!

 

Minsan sa Las Vegas dancers nami’y kasama,

And take note, sa Japan ito ay naulit pa!

Sa isang tila Seven-Eleven nagpunta

At namili para naman daw makamura.

 

Dahil ayaw nilang i-consume mga laman

Ng minibar sa room kanilang pinalitan,

Binaba nilang lahat… s’yempre nahawakan,

Ngek! Eh may sensor nga ‘yun at ‘di nila alam!

 

Ngek! Kaya ayun, nung oras na ng bayaran,

Sila’y nagtataka ang daming babayaran!

Kung kaya ang leksyon nauwi sa biruan —

Sa susunod na byahe… BRING YOUR OWN REF na lang!

***

Starting tonight at 9 on TV5, Wow Mali! Lakas Ng Tama! will originate from the newly-opened Stars & Beks Café. Hosts are owners Leche Flan Go and Sugar Brown. Ang lakas din ng tama ng kape dito!

ANG POET N

BEKS CAF

BOUTIQUE HOTELS

BRVBAR

KUNG

LAS VEGAS

NGEK

PAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with