‘Rabbit ang Tema’
Sa tingin ko ang “Francis Effect” ay meron pa,
Kaya naman Ang Poet N’yo sasagarin na!
At dahil ngayon din sa month tayo’y nag-jump na,
Jump? Love month pa? Swak! Eh di RABBIT ANG TEMA!
Sagot sa tanong kung bakit “rabbit antenna,”
Madalas marinig ganon kasi ang tenga,
Ngunit kung ibabase sa ugali nila,
Eh kasi nga dapat lagi ay nakabuka!
Maraming iniwan ang Pope sa ating WOW ha,
Pero ‘di MALI at ang LAKAS NG TAMA pa!
WOW o Words Of Wisdom ang ibig sabihin ba
Na pagnilayan n’yo at lahat maganda.
Kuha ko lahat pagkat ako’y matanda na,
Natural lang sa akin lagyan ng patawa,
‘Yan din sabi ng Pope na maging natural ka,
Kaya ‘wag seryo’t magalit sa’kin ‘yung iba!
Tulad nung kung manganak ay galit na galit!
Sabi tuloy ni Pope Francis, “Don’t be like RABBITS!”
At s’yempre ang sundot naman ng inyong Poet —
Kung hindi n’yo talaga kaya eh JUST RUB IT!
Ngek! Nangyayari’y you love doing it! Hold it please!
You rub it! Parang Hapon? Hai! Kayo GAPANG-NESE!
Alalay naman mga darling sa paglilis!
Not yet gapang youngest but gapang na si TER-MIS!
“Learn how to cry and beg …” ang dagdag pa ng Papa,
Ngunit iba yata intindi ng mga Mama,
Umiyak nga at makiusap sa asawa
Pag nanganak lang, “Tama na Pedro hayup ka!”
Subalit atin namang lahat na nakita,
Lahat nagkapote nang umulan sa misa,
Pambihira, kakayanin n’yo naman pala!
Bakit ‘di n’yo isuot pag nagroromansa?
Ang buong katawan nga nakakapotehan,
‘Yung “maliit na bagay” ano ba naman ‘yan?
Kasi naman ‘yung iba ang kinakatwiran —
May konting kaibahan daw sa pakiramdam!
Pagdami ng tao’y nasa tao talaga,
Kung tutuusin ay wala rin ‘yan sa Papa,
‘Yan ay nasa Mama at sa kanyang asawa,
ANAK-KONTI ayos na… ‘WAG yung ANAK-KONDA!
Anak ng… snake ka pala, MAGHUNOS-dili ka!
Anak ginawang bags ng mayamang baduy ha,
May dalawang karga, terno sa balikat pa
At may sabit sa bewang at may hila-hila!
Here’s a “touching” story of Mercy and Companion —
Sabi ni Aling Mercy kaya nga raw ganon,
Lagi s’yang nagpapa-TOUCH umaga at hapon!
Awa lang daw kay mister… ‘di ba ‘yan compassion?
Naaawa lang s’ya at mukhang asong gutom,
Ungot nang ungot at panay pa ang alulong!
Pinagbibigya’t baka kung sa’n pa malulong,
Si misis may awa… at walang sawa? Ganon?!
Ngek! Anak ng tupang anak nang anak kasi!
Malamang sa sabi ng Pope na “Do you love me?”
Pag natanong ni mister, si misis intindi —
Para patunayan — mag-bebe nang mag-bebe!
Pwe! Ang iba’y sa Papa isinisisi pa
Dahil sa isang talumpati’y nasabi n’ya
Na palaging iisipin ng mag-asawa
Na sila’y mag-boyfriend-girlfriend na dalawa!
Kaya naman siguro sineryo ng iba,
Dinibdib nga na waring nagde-date lang sila,
Mga bagets maiinit sa romansa pa
Kahit sa dami ng anak ‘di na kilala!
Dati nga raw ang Pope kapag “Peace” ang usapan,
Mga KALAPATI ang pinakakawalan,
Ngayon daw ay LOBO na at paalala lang,
Paglipad ng ibon KALAPOTE ka naman!
S’yempre rin sa nasabi ni Papa Francesco
Na tungkol sa pag-anak at mga kuneho,
Kahit pa humingi ng paumanhin ito,
May mga naaliw at merong nainsulto.
Ang tumawid naman ngayon sa isipan ko
At ewan ko nga lang kung napapansin ninyo,
Na sa lawak at laki ng bokabularyo,
Ano RABBIT bawasan ng letra sa dulo?
- Latest
- Trending