^

Entertainment

‘AKODAK — The First Selfie’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Paella Negra na medyo basa-basa pa,

S’yempre ang ginamit na bigas Spanish Bomba!

‘Yan ang hinapunan meron pang pampagana

Na Boquerones na may itlog pang kasama!

 

At kasama ko nun ay ang aking Kumpare,

Compañero de Viaje, si Danee Samonte,

Sa sarap ng kinain napamuni-muni

At napunta usapan sa putaheng SELFIE!

 

Anak ng putahe! Or in English, FOOD FOR TOT!

Ops, utak ng Ang Poet N’yo muling naglikot!

Na kami ni Danee mga unang sumubok

Na mag-selfie nung mahaba pa aming buhok!

 

Kami nun kasi’y mga CASINUMISMATISTS,

Kami’y nagko-collect ng mga casino chips!

Ito ay nakukuha sa aming mga trips,

Pero slot machines ang tunay naming favorite!

 

At t’wing makaka-jackpot aming kinukunan,

Bawal ‘yon sa casino kaya kami lang,

 Sanay na kaming sarili’y kinokodakan,

Kung kaya nga ‘yang selfie ORIG kami d’yan!

 

Ke quarters, ke dollars aming kinokodakan!

Instamatic pa nun at wala pang Instagram!

Pag sinabing “load” nun rolyo ang kailangan!

Pero ang galing ko pagdating sa kwadruhan!

 

‘Yang mga pagkain ‘di namin kinukunan,

Kinakain lang ‘yan, sa machines kami bu-ang!

May “kamay” pa nga nun makina na kalaban,

Kaming mga “two hands” madalas pang talunan!

 

Pero kami ni Danee ay may kasabihan —

“Talo sa pera, panalo kaligayahan!”

Did I lose heavily? Kapag nagkatanungan,

Sagot namin, “Not heavily, HEAVENLY naman!”

 

Halos nalibot na nga namin buong mundo,

Prayoridad namin nun basta may casino,

Sa isang lugar lang kinumpiska ang chips ko,

Dating pa nga tila ako ay inaresto!

 

‘Di ko na maalala kung pa’no nabisto,

Eh sa iba naman basta ba binili mo,

Ang layo pa naman — Prague, Czech Republic ito,

Pero in truth, eh medyo kinabahan ako!

 

Parang nagtse-CZECH sila talaga ng tao,

Train Ticket nang bumili bunso kong si Jio,

Nabayara’y “child” at nang mag-inspect na ‘kamo,

Dapat daw “adult” na, ngek! Pinagmulta ako!

 

LAHAT ng Hotel-Casino sa Las Vegas Strip,

Tinulugan na namin dahil sa mga chips,

Ubra namang bilhin lang, hindi sila run strict,

But to sleep din ang panata naming makulit!

 

Ngayon ay natigil na ang aming pangtsi-chips,

Nauna pang natigil s’yempre ang pangtsi-chicks!

Ngiks! At mga casino na lang na malapit

Sapagkat ang bewang namin na’y sumasakit!

 

Katulad n’yo, kami’y pa-selfie-selfie na lang,

At kung maka-jackpot man? Eh di kuhanan,

At ‘yung mga chips kung nais ninyong malaman,

Table na pero hindi pinagsusugalan!

 

Ngunit sa totoo lang sa naaalala,

Nagpasimuno ng selfie ay si Paul Anka

Nang Kodak commercial ginamit ang awit n’ya,

Kaya tawag sa selfie nun ay AKODAK pa!

 

Kodak, este korak at FORTY YEARS AGO na!

Meron pa akong TV show na Discorama!

“Tito, Vic & Joey” kabubuo pa lang ba!

‘Di pa kami Eat Bulaga… Student Canteen pa!

 

Ops, Good morning yesterday! Biglang throwback tayo!

Knock, knock… Paul Anka… PAUL ANKA-HAPON LAMANG ‘to!

Do you remember? “Times Of Your Life” title nito

At ‘di “Good Morning Yesterday” kanta ni Pablo!

vuukle comment

ANG POET N

CZECH REPUBLIC

DANEE SAMONTE

KAMI

LANG

PAUL ANKA

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with