‘Poopooetry or toiletry’
When people make “ebak” they use paper or water,
Usually toilet paper but sometimes… newspaper!
Buti pa elepante dahil they eat fiber,
Ang baliktad ng EAT nila’y nagiging… paper!
Wala ngang tapon sa kanilang tinatapon!
Elepoopoo nagiging Elepaper? Ganon?
Wala s’yang bacteria at mabait sa ilong —
Kwento ng mag-iina ko nang magbakasyon.
Hindi ko mapigilan ang mapa — he, he, he
Dahil FECES OF PAPER itawag di’y pwede!
‘Tsaka ano ba itatawag sa ganire —
Tula tungkol “DUMI”? TOILETRY? POOPOOETRY?
Pag nilipat mo nga vowels ng word na EAT
At talunan ang letter “T” at magkapalit,
Ano ngayon ang nangyari and what will you get?
Because of the VOWEL MOVEMENT the word became S_ _ T!
Baka isipin n’yo I’m just a Toilet Poet!
Hindi naman at mahirap din na mag-isip
What to write next at kung ano magiging topic,
At minsan pa nga wari kang nako-constipate!
Ngek! Bakit ba dun pa rin sa klase ng “moving”?
Di tayo maka-move on and we cannot get in,
Mabuti pa kaya ‘yun na lang ating gawin —
“MAY I GO OUT STORY” ang ating talakayin!
Hindi naman siguro “waste” of time gagawin
Pagkat tungkol d’yay bahagi ng buhay natin,
Inyong tandaan hangga’t tayo’y kumakain,
‘Yan na nga ang karugtong — s’ya na ang next showing!
Long time ago nung Grade One pa lang Ang Poet N’yo,
Nung desk na pandalawang pupils pa’y uso,
Kung kaya may ka-WRITING IN TANDEM pa ako!
Girl ang seatmate ko’t Leila ang pangalan nito.
One day, isang araw… the bell rang, uwian na!
Lahat nagtayuan pero ako hindi pa
Pagkat NAKADIKIT pa ‘ko sa aking silya,
May lumabas sa kinain kong alam n’yo na!
Alam kong ang sundo ko ay nasa labas na
Ngunit sinubo kahapo’y labas na rin s’ya!
Nandun pa rin si Leila’ng nanlalaki mata
At amoy ng paligid medyo na nag-iba!
Kung napaiyak ako’y ‘di ko maalala,
Basta nung puntong ‘yon matindi aking kaba,
Hinuhugasan pa yata ako ni Mama
Kaya hintay na lang ako at nakatanga!
Hawak pa rin ang lapis… ‘yun pa rin ang porma,
Nang biglang nakialam na itong si Leila,
“Ma’am si Joey o natae!” Ngek! At malas n’ya,
Nang biglang Mongol ko hita n’ya nagpahinga!
At dahil sa “below the belt” ko ngang ginawa,
May ASS-AULT na ‘kong kaso kahit pa nung bata!
Kaya FLUSH BULLETIN at mabahong balita —
“May lumabas sa bata… pumasok sa hita!”
The moral of the story: Kapag may na-ebak,
Huwag kang hihinga at lalo ang pumutak!
At pinaka-importante sa lahat-lahat —
‘Wag kang manunuro’t baka ikaw’y masaksak!
Mga iba d’yan ay siguradong aangal
And will insist — “Toilet humor at walang aral!”
Excuse me po, sinulat ko’y EDUCATIONAL
Sapagka’t it’s about PAPER AND A PENCIL pal!
- Latest
- Trending