^

Entertainment

‘Past & Future Same-Same... Eh Ano Ngayon?!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Kung ngayon si Gat Jose Rizal mauutas,

Na may “social cancer” di’t social media with us,

I’m sure “MUA MUA SUP SUP” ang ite-text n’yang last —

MUA SUP for Mi Ultimo Adios Sa U Pinas!

 

At sa dami ng na-link na mujeres dito,

Relationship status” ni Pepe t’yak ang gulo!

At kung may mga Pharaoh pa rin ng Ehipto,

Malamang puro “pyramiding” mga kaso!

 

Eh kung baliktad naman ang gawing senaryo —

Sa nakaraan pupunta naman ay tayo

At sa panahon ni Kristo natin isentro

Nung kasalukuyang kainitan ng Maestro.

 

At ipadala natin mga magugulo

Na pag nagkamali katwiran lagi’y ito,

“I think kaya nangyari ito, wake up call ko

Para nang makilala ko si Lord nang husto!”

 

Ngek! Hoy gising! Pwede ba pag-time travel ninyo,

Pagpunta n’yo ng “past” ‘wag nang babalik dito!

Lalo na ‘yung mga lasenggo at nanggulo,

Before kasi The Lord si Saint Michael ka-meet n’yo!

 

Ang Poet N’yo naman na Libra palibhasa,

Tingin sa tatlong panaho’y iisang linya

At magkakarugtong ang mga pusod nila

Pagkat daraanan nila ang isa’t-isa.

 

Tatlong panahon ay magkakasinghalaga —

Nakalipas, ang ngayon at ang darating pa,

Ang may saysay lang ay ngayon para sa iba

At sa hinaharap nandun lang ang pag-asa.

 

Ang nakaraan ay ating pasalamatan,

Maganda nga s’yang pagkunan ng kaalaman,

Ang ngayon ay punuan ng kaligayahan

At kinabukasan naman ay paghandaan.

 

Hindi ko tinatapon ang mga kahapon,

Bagkus pa nga ay aking itong iniipon

Pagkat maaayos pagkakamali noon

At maaaring makatulong sa ‘yo ngayon.

 

Kung wala “KAHAPON” pa’no na si Paul ngayon?

Si Paul McCartney na minsa’y naging Paul Ramon,

At kung wala “BUKAS” ito aking tanong —

Si Annie kaya’y napanaho’t may umampon?

 

Mga panahon ay ‘di mo mapipigilan

At hindi ring mainam silang talikuran,

Kung ‘di ayon sa ‘yoy lilipas din naman ‘yan,

“Pana-panahon” nga eh, ang kulit mo naman!

 

Kung wala kahapon may “Throwback Thursday” ka ba?

 Si Kuya Eddie ba ay magkaka-programa?

Pa’no Christmas Eve at kung anong bisperas pa?

Kaya ang KAHAPON ‘wag n’yong gawing basura!

 

‘Wag utak pulbura o mag-utak pambura,

Huwag namang sa ngayon lang uupurin s’ya!

‘Langhiya, ‘di ba minsan kapag nag-iisa,

Inaala-ala mga dating ligaya?

 

Ngayon, pag-usan natin NGAYON... ngayon na!

Kung batok ang KAHAPON ang ngayon ay mata,

Ang BUKAS ang malayong kanyang nakikita,

Darating lang kung bukas mabubuksan pa s’ya!

 

The word “panahon” ay maraming kahulugan —

Pwede s’yang TIME, AGE, OCCUPATION, What’s IN … FASHION!

Nagbabago, nagbabalik, may naiiwan,

Past and Present are same-same... O, eh ano ngayon?!

 

Ngek! Kung sa Ingles din nga’y WEATHER ang panahon,

‘Di kaya WEATHER pinaikling WE ARE THERE ‘yon?

Kaya nga malinaw at hindi nagkataon

Na kahit ano’ng panahon tayo’y naroon.

 

Dahil sa nakaraa’t sa unang panahon,

Ang ating mga ninuno ang nandoroon,

Tayo ngayon … at sa pagpapalit ng dahon,

Supling at apo natin tayo ang karugtong.

ANG POET N

CHRISTMAS EVE

GAT JOSE RIZAL

KAYA

KUNG

NGAYON

PANAHON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with