^

Entertainment

‘Hamasona to Amasona’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Magkakaron na raw ng H&M sa atin,

Pero mga plus size at “healthy” ay may problem

At baka raw wala naman dun that will fit them!

Well, abangan na lang pag-open ng H-A-M!

 

Ngek! What the FAT say, este FOX, este FACTS pala —

Models ay malusog at mataba nung una,

Paintings ni Rubens at Botero makikita,

Payatot daw kasi’y walang kagana-gana!

 

S’yempre kasi naman nun ang paniniwala —

Maganda “malaman” at nakakariwasa,

’Yun bang tipong buto ng ubas niluluwa,

Buto’t balat ay poor… dugo lang dinudura!

 

Ang taba at laman noon ay kagandahan,

Maraming kinakain ang isang dahilan

Sapagkat naturalmente sila’y mayaman

At “maganda” katumbas pag may kayamanan!

 

Pagbabawas ng timbang ay ‘di pa nun uso,

Dyosa ng Kagandahan nakaisip nito,

Ang hinala ko nga ‘tong si Venus de Milo

Upang gumaan pinatanggal mga braso!

 

Ngek! “TONGUE INAnaman ang ating pag-usapan,

Wari bang ang salita ay may nilalaman?

Wala naman at nais lang halaga’y bigyan

At ‘yan ang MOTHER TONGUE sa Taglish na paraan.

 

“Ang hindi magmahal sa sariling wika

Ay higit sa hayop at malansang isda.” —

Si Gat Jose Rizal ang dito’y nagsalita

At sa Buwan ng Wika ay dinarakila.

 

Ngunit sa paglakad ng panahon daw yata

Ay nagbago na rin dito ibang salita,

Ngayon — “Ang ‘di magmahal sa sariling wika,

Sa Call Center ang bagsak!” Ngak! Walang masama.

 

At wala naman talaga’t ‘yan la’y patawa,

Rizal nga’y maraming alam na wikang iba,

Walang personalan, trabaho lang kumbaga,

Dati nga pag may “CALL” sa trabaho ay BAD na!

 

Teka, teka… parang si Rizal may problema!

Dahil marami sa sinasabing pag-asa

Hindi nagsusunog ng kilay sa gasera

Kundi nagra-rugby! Nagsusunog ng baga!

 

Wala na turo n’yang gamo-gamo’t gasera,

Ngayo’y “gamut-gamot” o “damo-bato” ‘di ba?

Well, they need din pansindi… gasera iwan na!

Hudas dumami, plastic supot dala-dala!

 

Kundi lang masama ang sarap kutusan ba,

Batang-bata pa lang may sakit sa BATO na!

Mga batang kriminal nagkalat sa EDSA,

At marami pa ngayon ang mga problema.

 

Katulad ng mga BASHERS sa Social Media,

BOSHERS o BOSERO rin ang katulad nila!

Sinisilipan mga nais na mabiktima,

Nagtatago at takot at baka makita.

 

Nakakahiya kasi pag nahuli sila!

S’yanga pala, bashers din is short for BASHURA!

Isang mabaho at tinatapong BASURA!

Op kors because they REFUSE na magpakilala!

 

Pero tingin ko mga “bashers” ay dalawa —

May BOBO’t wala lang at may nakakatawa,

Ayos lang ‘yung iba nung nakaraang SONA,

Oks din si Nancy… may Fashion Senseof humor s’ya!

 

Ngunit da bes ang reaksyon ng Senadora,

They PICKED ON her pero hindi n’yo na-PIKON s’ya!

(The word “pikon” ay galing sa “pick on” nga pala)

Isport at relak nga lang s’ya at itinawa.

 

Kaya Ang Poet N’yo ay may proposal sana

Upang matigil na rin ang mga intriga,

Na sana sa mga susunod pa na SONA

Gawing MASQUERADE BALL! Cirque du Soleil ang peg ba!

 

A BIG PARTY for all the parties ang dating n’ya!

At palitan na rin itatawag sa SONA

“A Masquerade And State Of the Nation Address” na,

Kaya ang magiging acronym — “AMASONA!”

 

A MASQUERADE AND STATE OF THE NATION ADDRESS

ANG POET N

CALL CENTER

FASHION SENSE

GAT JOSE RIZAL

KAYA

LANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with