^

Entertainment

‘Of The Same Birds’ (They pluck their brows together)

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Nung minsan nagpakwela ang pari sa misa —

Bulag daw’y malas dahil kita ay wala s’ya,

Duling nama’y swerte dahil doble kita n’ya

Pero bold star mas swerte dahil LAHAT KITA!

 

Ngek! Pero oks lang ang paring nagpapatawa

Dahil letter “D” na lang NAGPAPATAWAD na!

Ngunit ang susunod naman ay kakaiba —

Tungkol sa mga “pare” na mag-aasawa!

 

Ops, hindi ito “pare” na nakasutana

Kung hindi ‘yung mga pare nating MASAYA

Tulad ni Pareng Elton na may p’yanong pula

Pagkat same-sex marriage sa England ay pwede na!

 

King Richard The Lion-Hearted, Braveheart ano na?

Pati Wales and Scotland, nagpauso ng palda

Sa lalaki — Kilt kung tawagin sa kanila,

Abay  pwedeng-pwede nang ternohan ng blusa!

 

Kunsaba-GAY ay medyo marami-rami na

Sa same-sex relationships ang kumikilala —

France, Sweden, Belgium, Spain, Portugal, Argentina…

Inggit na inggit na nga mga ditong bruha!

 

At dahil may MATE CHANGE, no more bride and groom baga

Sapagkat ‘yung groom eh sa Best Man na napunta!

Ang Poet N’yo may ilang suhestyo’t ideya

And may you live happily ever after sana.

 

Sapagkat kung “man-to-man” eh ang dapat pala

Na ang dalawa ay sabay magmamartsa

At dadaan sa maraming mga espada

Na magkakurus! Simbolismo ba ay kuha?

 

Pagdating sa reception ay mawawala na

Ang pagpapakawala ng ibong dalawa

At ang mas tama sigurong gagawin nila —

Itali na lang mga ibon at mas bongga!

 

At ‘yan ang tunay na “pagtatali” talaga

Ng dalawang tao na pareho kargada!

Ngunit sa ganito ay hindi ako kontra

Kundi sa tawag sa kanilang pagsasama.

 

Nang ‘di gumulo’y ‘wag “wedding” o “marriage” sana,

Sa ganang akin UNION pinakamaganda!

Katunog pa ng “ ‘YUN ‘YON!” THAT’S IT kumbaga s’ya!

Nang wala ng tanungan at paliwanag pa!

 

“At ikaw lalake, tinatanggap mo ba s’ya?”

Imbes na “I do”, “ ‘YUN ‘YON eh!” isasagot n’ya!

At wala ng bouquet na gamit at hagis pa,

Pagkat kayo ay BUMIGEY at BUKEYING na!

 

And because KNOWS na GAY nga na kayong dalawa,

Mga NOSEGAY ay hindi na kailangan pa!

At kung may bulaklak gagamitin talaga,

I-try n’yo lang ang CAULIFLOWER…why, obvious ba?

 

At bakit, maganda naman s’yat ma-SUS-tans’ya,

Marami ring kulay tulad ng mga bruha!

At ayon pa nga sa Google tungkol sa kanya —

“Typically, only the head is eaten.” Bongga!

 

At kung saan gagawin ang UNION nga pala,

Bahala na kayo at maraming ideya —

Pwedeng sa garden, sa parlor o sa Luneta,

Pwede ring sa dagat nakasuot sirena!

 

Sa usapang seryo ang pinakamaganda —

Sa ibang bansa mga gay couples magpunta,

Walang mga usyosa at mga tsismosa,

Mailaladlad n’yo nang todo mga kapa!

 

Tulad ngayon dito kung saan ang Niagara,

Parehong kasarian pwedeng mag-asawa!

At kung pangarap n’yo mala-Wedding in Cana,

Pwede na rin siguro… Union in Canada!

 

At ngayong ‘yan pala ay pinapayagan na,

Wis na kaming wish kundi maging mas masaya

O more gay ang inyong pagsasamang dalawa,

But wait, ‘wag “more gay” at tunog MORGE pala s’ya!

***

At s’yanga pala, may re-UNION din kaming tatlo — Mike Enriquez, Danee Samonte at Ang Poet N’yo, pero walang kasalang magaganap.  Kami ay dating mga KAPUSHER (platter) or Disc Jockeys.  And because we were also KA-PILGRIMS last month to the Holy Land, we will be presenting “Banal na Paglalakbay” on Maundy Thursday, April 17 on GMA 7 at 7:30 p.m. Wishing all of you a Blessed Palm Sunday!

ANG POET N

BEST MAN

BLESSED PALM SUNDAY

DANEE SAMONTE

DISC JOCKEYS

HOLY LAND

KING RICHARD THE LION-HEARTED

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with