^

Entertainment

‘Tinikling is Japanese?’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Nito nga pala sa muling pagbisita ko

Sa lupain ng sushi, sake at kimono,

Meron akong nakaligtaan na ikwento —

Doon sa Sapporo may TINIKLING SA YELO!

 

“Hai! Tayo na giriw magsayaw ng tinikring

Katurad ng sayaw ng roro’t rora natin!”

Isa s’yang attraction and tourist experience din

Pagkat kawayan ginagamit sa skiing.

 

Bamboo o TA-KE Dance ang tawag nila doon,

‘Di ko na natanong kung bakit sila meron,

Iba ang tugtog pero the same ang galawan,

Tuwang-tuwa naman matanda’t batang Hapon!

 

Subalit mas payat gamit nilang bamboo

At hindi rin maiwasan na maisip ko

Na baka sa tabi may naglilitson dito

Ngunit ‘di pwede at nyebe nga paligid ‘no!

 

Pero ako ay naaliw sa totoo lang

At naisip ding Hapon pwede kahit saan,

Pang-NIGHT and DAY kaya nga “hapon” di’y “afternoon”

And of course, “Just Always Pray At Night” nama’y JAPAN!

 

Naghinala tuloy sa Hapon din origin

Nitong “sayaw ng mga lolo’t lola natin”,

Bakit naman hindi’t kung inyong iisipin,

Tila ba pares ng chopsticks ito nanggaling!

 

‘Yung halo-halo nga, munggo’t mais sa yelo

Eh mga Japanese din ang nagdala rito!

Pati nga yata TABO sila nagpauso,

Nagsimula lang yata rito’y… puro gulo!

 

Ngek! Sa dami ng mga lahing umokupa

Ay mukhang wala tayong orig na talaga

Kundi ‘yung reason daw ba’t si Beckham nagpunta —

Young boys na football addicts — eh RUGBY BOYS pala!

 

Kung marami nga sa Hapon tayo nakuha,

May isang ‘yun na lang sana ipinamana,

Puro lang tayo sigaw ng pagkakaisa,

Kailangan lang nati’y ISA — DISIPLINA!

 

Nandun kami bago Araw Ng Mga Puso

Kung kaya kahit saan tao’y punong-puno

Ngunit napansin kong tanging babae lang po

Mga namimili for Valentine! Ang labo!

 

Pero nilinaw agad ng isang kasama

Na Feb. 14 mga babae lang talaga

Nagreregalo lalo’t sa ka-opisina

At mga tsokolate karaniwang bida!

 

And exactly one month after lalaki naman,

March 14 at “White Day” tinatawag nila d’yan,

Pati sa regaluhan ay may kaayusan,

Sa Pinoy, dibdib at ilong NAAAYOS lang!

 

Isang araw ng Sabado kami’y nagsimba,

Kung ‘di pa naman maayos at masistema,

Sa pagpasok pa lang sa mesa’y sama-sama —

Ang donation box at lalagyan ng Ostiya,

 

Kung may ibibigay ka ay ihulog muna,

Kung tatanggap naman ng banal na Ostiya,

Sumipit ng isa’t ilagay sa kopita,

Eksakto komunyon walang kulang at sobra.

 

At sa mga nagtataka kung bakit nga ba

Sa Japan bibihira ang mga basura,

Kasi nga walang kumakain sa kanila

Habang sila ay naglalakad sa kalsada!

 

Kasi nga’y kawalan ng respeto baga

Sa pagkain ang tingi’t paniwala nila,

Kung may gumagawa man ‘yuy tiyak turista,

Pati nga pagyoyosi may kalalagyan na.

 

Madali lang kung tao’y susunod talaga,

Kaya palagay ko tinikling ay kanila

Pagkat tulad kawayan yumuyuko sila —

Pagkilala sa kapwa’t pagpapahalaga.

 

Malamang niyan sa naisulat kong ito

Ay mga mga kokontrang “makabayan kuno”

At ipipilit na ito ay Pilipino,

Why, ‘di ba pwedeng may Made in Japan din ito?

 

Tiyak ding nasa edukasyon ‘to ng tao,

Dahil Hapon unang dalawang taon nito,

Good Manners and Right Conduct didikdik sa ulo —

Magandang ugali’t tamang pakikitungo.

 

Kaya bago pa man magbasa at magsulat,

Alam na nila mali’t sa tama namulat,

Sumunod sa pila at magligpit ng kalat

At ang paggalang sa tao higit sa lahat.

 

ARAW NG MGA PUSO

DAHIL HAPON

HAPON

KUNG

LANG

PATI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with