Vhong back on ‘It’s Showtime’
MANILA, Philippines- Vhong Navarro is back on “It’s Showtime.â€
The announcement was made Saturday afternoon, March 8, before the ABS-CBN noontime show ended.
Before Vhong was welcomed on stage , Anne Curtis-Smith said that “sobrang espesyal ng araw na ito para sa amin at sa ating lahat na sumusuporta sa kanya.â€
Billy Crawford seconded this saying, “matagal nating hinintay ‘to, we’re very, very happy dahil magbabalik na ang pinakamamahal nating kaibigan, kapatid, [at] kapamilya,†which was followed by a VTR, showing the different clips of Vhong on the show.
Vhong then entered the stage emotionally, and was welcomed by a group hug by his “It’s Showtime†co-hosts.
“Ang gusto lang po gawin ng Showtime family ay mapasaya kayong lahat, madlang people,†Vhong started. “Naging madali po sa aming lahat na gawin po ‘yon dahil sa aming director, si Direk Bobet [Vidanes], si Sir Riley, ang gaming creative, ang aming staff, and gaming crew, and of course ang aking mga kapamilya, kapatid, kaibigan dito sa Showtime."
“Ang sarap po pumasok, parang bahay po ito, e, kasi pantay-panta tayong lahat—wala pong mayaman, walang mahirap, wala pong sikat, wala pong hindi.
“Pero ngayon po at sa mga susunod pang araw, hindi ko po nararamdaman ‘yon. Hindi ko po alam kung paano ako nakakatayo ngayon dito sa harapan ninyo. Natatakot po ako, e. Natatakot po ako sa lahat ng pinagdadaanan ko ngayon sa buhay ko. Hindi ko alam kung magiging ako pa rin ‘yong dating makulit, ‘yong dating masayahin.
He then thanked everyone who showed support to him since he was hospitalized.
“Isang buwan mahigit po na hindi tayo nagkita-kita, hindi po tayo nagsama-sama dito sa Showtime—na-miss ko po kayong lahat madlang people,†he exclaimed.
“Nababasa ko po ‘yong tweets ninyo, ‘yong messages ninyo sa Instagram. Gustung-gusto ko pong magpasalamat sa inyo ng personal dahil patuloy po kayong sumusuporta sa akin, pinagtatanggol ninyo ako, pinaniniwalaan ninyo ako, at pinagdadasal ninyo ko.
“‘Yan po ang dahilan kung bakit ako nananatiling matatag para po harapin lahat ng pagsubok na dumarating sa buhay ko. ‘Yan din po ang dahilan kung bakit ako nakakatayo ditto sa harapan ninyo. At ‘yon din po ang dahilan kung bakit gustung-gusto ko na magtrabaho, kasi ‘yon po ako, e, gusto ko lang po magpasaya ng tao.â€
Vhong: ‘Mahirap maging komedyante.’
Vhong turned emotional again as he recalled the allegations against him by Deniece Cornejo whom he allegedly raped last January.
“Ang hirap po iparatang sa iyo ang bagay na hindi mo ginawa,†he said, almost in tears. “Alam n’yo po mahirap maging komedyante. Dahil ang komedyante po ay magpasaya ng mga tao, dedma po ang personal na problema.
“Basta ang mahalaga nakita naming ang inyong mga ngiti. ‘Yon po ang nagpapasaya sa amin, ‘yon po ang magpapalimot sa mga problema namin—ang inyongmga ngiti, madlang people.â€
After thanking his fans for the second time, Vhong then thanked the ABS-CBN executives whom he said never left his side, since the incident happened.
“Siyempre gusto ko rin po magpasalamat sa ABS-CBN,†he started. “Tapos kina sir Gabby [Lopez], ma’am Charo, kay Tita Cory [Vidanes], kay Tita Malou [Santos], kay Direk Lauren [Dyogi], kasi mula po nang simula pinaramdam po nila sa akin kung gaano kalalim ang ibig sabihin ng kapamilya.
“Ito po ‘yong kahit hindi ka na kausapin ‘yong kilala ka na nila, e, kilala na nila buong pagkatao mo, e. ‘Yong yayakapin ka na lang at sasabihin sa ‘yo na, ‘hinding hindi ka nag-iisa.’â€
He next thanked everyone who is helping him, from his manager Director Chito Roño, to his legal counsel, down to the doctors who helped him recover.
“At siyempre gusto ko rin po magpasalamat sa akin legal team: kay Atty. Alma [Mallonga], Atty. Ayo [Bautista], at Atty. Tony Calvento at sa iba pang lawyers na nagtulung-tulong.
“Kasi nagpapalakas po kayo ng loob ko, lagi po kayong nasa likod ko, hindi po kayo bumibitaw, kayo po ang naggagabay sa akin kung anong gagawin ko at sa mga pagdadaanan pa natin. Salamat po sa inyo.
“At siyempre sa mga taga-NBI, kina sir Rommel Ramirez at Atty. Fem. Kasi sa bawat binabalik naming ‘yong nangyari sa akin, ang sinasabi ko lang, ‘natatakot ako.’ Pero salamat po sa inyong pagtityaga at pasensya na kayo kung paulit-ulit ko ‘yong sinasabi dati. Pero sana habaan pa po ninyo ang pasensya ninyo sa akin.
“At nagpapasalamat ako sa aking manager, kay direk Chito [Roño] na hindi lang tumayo bilang manager ko. Tumayo siya bilang pangalawang ama ko. Boss, thank you, thank you so much.
“Siyempre sa aking mga doctor na inalagaan ako sa St. Luke’s, salamat sa inyo especially kay Dok Kurt.â€
Vhong then made a joke about his nose, “siya po ang gumawa ng ilong ko na hanggang ngayon pango pa rin po. Hindi daw po bagay sa akin ang matangos ang ilong. Salamat Dok Kurt, ha, walang pagbabago [sa ilong ko], balik sa dati.â€
Vhong’s best friend and co-Streetboys’ member Jhong Hilario made a comment on his joke saying, “Kuya Vhong, gusto ko lang sabihin sa ‘yo, mas bagay sa ‘yo ang ganyang ilong. ‘yan ang minahal ng madlang people.â€
After thanking his friends from the “Kapuso†and “Kapatid†networks who made him feel like a family member, he next thanked his family and his girlfriend Tanya Bautista.
“At siyempre gusto ko magpasalamat sa aking pamilya. Salamat sa aking dalawang anak, salamat kay Tanya [Bautista], at salamat sa pamilya ni Tanya, na sa lahat ng pagsubok ngayon hindi nila ko iniiwan. Lagi silang nasa likod ko.
“And of course, salamat sa ating Panginoon dahil binigyan Niya ako ng pangalawang buhay at pagkakataon na makabawi ako sa mga taong na-disappoint ko. Lord, thank you. I love You.â€
After his speech, his co-hosts Billy and Anne gave their message to him.
Billy said: “Unang-una sa lahat, we’re so happy, we are so blessed kasi parang ano, e, parang butas ang Showtime kapag wala ka. Pilay na pilay kami kapag wala ka. Pero ginagawa lang namin ang kailangan naming gawin araw-araw na pagpapasaya sa aming madlang people.
“Pero kami, we cannot ask for more and we are so happy to have our brother back. We love you, Kuya Vhong. Basta sa korte na lang tayo magkita.â€
Even before she started speaking, Anne was already in tears when she said “At isa lang talaga ang masasabi natin, talagang na-miss natin talaga... Kuya Vhong we missed you so much! Di, totoo ‘yon, guys.
“Alam n’yo naman from day one ikaw talaga ang partner ko dito sa stage. I’m so glad to be back on stage with you, my forever partner in Showtime. You know ikaw lang ‘yon, walang iba. So I’m happy to have you back safe and sound. Dito lang ako sa ‘yo palagi, alam mo ‘yan.â€
Vhong seems to be moved by Anne’s message and was teary-eyed when he replied, “Alam ko naman ‘yon, e. Ang sarap mapakingan ng mga messages mo, ang sarap mabasa ng messages mo at ang sarap pakinggan ng sinasbai mo ngayon.
“Marami akong gustong sabihin sa ‘yo kaso ayoko muna. Pero, Anne, salamat sa pagiging partner ko dito mula sa simula. At alam ko hindi ka bumitaw bilang isang kaibigan ko. Talagang nakasuporta ka sa akin. Salamat.â€
Vhong will be regularly seen on “It’s Showtime†again starting on Monday, March 10.
- Latest
- Trending