^

Entertainment

‘Happy New Rin’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Malapit na Bagong Taon Year Twenty Fourteen!

Kung kaya kayo ay akin nang babatiin

At ibabalik ko lang inyong mga greetings,

Masagwa man ang tunog pero… HAPPY NEW RIN!

 

He, he, he… HEPI NYU YIR sa inyong lahat d’yan!

Sa Chinese calendar “Horse” naman tayo ngayon

At maaga simula — January Thirty-One,

Matatapos na “Snake,” ‘di na tayo gagapang!

 

At dahil nga Kabayo tayo na’y tatakbo!

At dahil Wood eh di parang rocking horse ito

O ‘yung merry-go-round, carousel na kabayo,

Ayos, ang saya! Eh di rock and roll na tayo!

 

GREEN WOOD HORSE ang talagang eksaktong-eksakto

Pero ‘yan nama’y depende pa rin sa tao,

Kung maganda ang sakay at maraming damo,

T’yak makakarating sa kinakarera mo.

 

Tatlong araw na lang at tatlumpu’t isa pa

At ang Year of the Horse ay magsisimula na,

Ewan ko sa inyo ako’y walang problema

Dahil pangalan ko’y HOR-SE DE LEON, ‘di ba?

 

Subalit pwera biro ang paniniwala —

Most beautiful animal sa balat ng lupa

Itong kabayo kung kaya walang masama,

Bahala ka na lamang sa pag-aalaga.

 

Pagkat kahit anong year at hayop matoka

Kung ikaw ay may kahayupan ding talaga;

Kung masama ugali mo at tamad ka pa,

Ang iyong kabayo para mo ring tinapa!

 

Kung magaspang ka pa sa taong magsasara,

Ahas pa naman at may pagkakataon pa

Na maghunos nang ang balat mo ay mag-iba,

Nang pagsakay sa kabayo poging-pogi ka!

 

Subalit pagsakay sa kabayo’y dalawa —

Bilang isang hari o isang maharlika,

At yung isa ay ‘wag ka naman maging sana —

Ang tanghaling isang tulisan at lagot ka!

 

Kung kaya nga mukha ni Janus ay dalawa

Kung saan pangalang January ay kinuha —

Ang isa’y nakaharap sa hinaharap na

At isa’y nakatingin sa nakalipas pa.

 

Sa pagbabago ng taon ay s’ya ang una

At pagpili ng mukha ay nasa sa ‘yo na,

Dios din ng pagsisimula at pagsasara,

Ipinid ang pangit at buksan ang maganda.

 

Tama nga kayo si Janus ay doble cara

Subalit ito lang ay pagpapaalala

Ng paglingon sa nakaraan at pagkuha

Ng aral sa mga kamaliang nauna.

 

Kung January ay si Janus pinanggalingan,

Sa’n naman nagmula ang pangalawang buwan?

Patawarin n’yo na ang aking pagkukulang

Sapagkat nga ang February di’y kulang-kulang!

 

WOW MALI-gayang Bagong Taon to every Juan!

Mamayang gabi may Wow Mali Pa Rin! naman,

Mag-ingat sa putok sa December Thirty-One,

Para sure kayo maglagay ng deodorant!

BAGONG TAON

DECEMBER THIRTY-ONE

JANUARY THIRTY-ONE

KUNG

SUBALIT

WOW MALI PA RIN

YEAR OF THE HORSE

YEAR TWENTY FOURTEEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with