‘Question & Anderson’
Nagsimba ‘ko exactly two Saturdays ago,
Pari pa sa misa ay si Cardinal Chito!
Korek! His Eminence Cardinal Tagle ito
At sa homily ay humirit ang Pare ko!
Malimit daw na pinagyayabang ng tao
Na sila kuno ay talagang maka-Kristo,
Kung kaya nung minsan tinanong n’ya mga ito,
“Kay Kristo, sino mga sasama sa inyo?â€
At taasan daw ng kamay ang mga tao,
Inulit n’yang muli at may dinagdag ito,
“Sino sasama kay Kristo… NGAYONG GABI?!†O?
At biglang natahimik… nawala ang gulo!
O, bakit ganon at tao’y pabago-bago?
Abay isa lang ang ibig sabihin nito —
Na sa mundo pag may nangyaring pagbabago,
Tiyak kagagawan ng mga tao ito!
Ngunit ganyan nga yata talaga ang tao,
Pag may magandang balita, “Ayos Ka D’yos ko!â€
Pero pag may dagok at batok na tinamo,
“Where are You God? Why did You?†na ang tanong nito!
Tulad na lang nitong huling nangyaring bagyo,
Naapektuhan man o hindi nang diretso,
Tiyak may mga bumulalas nang ganito,
“O-M-G! God, why did You do to me such a do?!â€
Ngek! “YOYOY?!†And that’s the short for “Why Oh Why Oh Why?!â€
Angal at tanong agad ang winawagayway!
Bakit nga ba tao ganyan? Why, why, why, why, why?
Pag sarap, OKS! Pero pag pagsubok, ang ingay!
Parang kay Boss na lang lahat iniaasa
At tila thumbs up at aprub lang pag maganda,
Kung minsa’y sensitibo pa kung maka-asta,
Aba, aba! Who does you think you are Hudas ka?!
Hindi dapat “Where are You God?†tinatanong n’yo
Sa totoo kung hindi “Where are you GOOD-byerno?â€
Pagkat ang GOD talaga’y sa kaluluwa mo
At GOOD-byerno nama’y sa katawan ng tao!
Sa mga pagkakataong ganito agad,
Ang tinatanong ay hindi na “Where are You God?â€
At ang tanong na ito’y sa ‘yo nakalahad
At ‘yay wala nang iba kundi “WHERE IS YOUR LOVE?â€
Where is your love? Nahan ang iyong pagkatao?
O hindi ba nga’t nakita ng buong mundo?
Salamat sa ‘yot salamat sa mga dayo,
At sino ba umayos nito sa tingin mo?
Where is our love? And too much love nga nasaksihan
Mula sa iyo’t ating mga kababayan
Kung kaya nga ‘wag mo nang kulitin si God d’yan
Dahil sa “LOVE†mo ay nasa LOOB si God n’yan!
Let’s GO Nation! Let’s DO IT Nation! Give Donation!
Kahit ano pa ‘yan sigaw man ‘yan o bulong
At mahaba-haba pa at ‘wag nang magtanong,
Okay lang po ang tulong kahit na pa TOO LONG!
Well, iba-iba nga talaga mga tao —
May pakitang-tao lang at merong totoo,
Tumihaya at tumaob nung merong bagyo,
May CNN doon at may SI-ENG-ENG dito!
At may isa pang mailabas lang sa dibdib —
Anderson Cooper thanked, “… for showing us how to live.â€
Subalit kailan naman kaya maririnig? —
“Thank you to some leaders for showing us HOW TO LEAVE!â€
- Latest
- Trending