^

Entertainment

‘Guard Bless You’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Nung July 31 hiwa-hiwalay kami,

Ang tatlong bata “Game of Thrones” sites pa rin s’yempre,

Kaya pumunta sa Belfast papuntang Norte

At kami ni Eileen sa KNOCK naman nag-viaje.

 

Two and a half hours by train layo n’ya from Dublin,

Tanong ng taxi driver kung sa’n kami galing,

At nalaman din n’ya na ‘yon din first time namin,

“Then your prayers were answered!” sabi n’ya sa amin.

 

At kung third time namin ‘yon eh di KNOCK THREE TIMES na!

Ngek! Boss, comedian la’t patawarin sana,

Ang Knock nga sa world’s major Marian Shrine ay isa,

Dito lang may aparisyong TATLO nakita!

 

Tatlong anak ko nag-stay sa Hotel Europa

Na marami na raw VIPs ang tumira,

At nung tanungin ko kung saan ‘to sikat pa,

Sabi ni Jocas, “The most bombed hotel nung gera!”

 

Ngek! At gulo dito nu’y pinag-usapan na

Pagkat Ireland kasi nahati sa dalawa —

Ang Northern Ireland nga na U.K. ang kasangga

At sa ibaba Republica Irlandia.

 

Ngayon nama’y sa London kami’y babalik na,

Dahil galing Belfast si Jako’y nagbihis pa,

Suot bagong T-shirt na kanyang dala-dala,

May big “Belfast” print in front… turistang-turista!

 

Nang pabirong nasabi  ko, “O, mag-ingat ka,

Bumalik kang Dublin baka may problema pa.”

‘Di ako pinansin tuloy lang ang pagporma,

Pagdating ng sundo… T-shirt ay DUBROVNIK na!”

 

He, he, he… but that’s the best… ‘yan ang seasoned tourist,

Importante rin sa trip ang suot na damit,

Bakit ka poporma na pwede kang sumabit?

Basta nasa byahe, YOU ENJOY BUT YOU STAY SAFE!

 

Tulad na lang sa Dublin sa Ireland Republic,

May tees na medyo nangti-tease… o nang-iinis?

Ang tatak nito’y tungkol sa barkong Titanic —

“CREATED BY THE IRISH… DESTROYED BY THE ENGLISH!”

 

Nyuk, nyuk, nyuk! Cute pero masakit nga daw ang truth,

O, ‘yan ba sa U.K.  cute ka rin kapag suot?

‘Yang souvenir T-shirts huwag makakalimot,

Kwela lang sa atin — pangyabang ba’t pampakyut.

 

Sigurado ang iba d’yan ang sasabihin —

I have no paki ngunit ipagpaumanhin,

Ayos lang talaga plain or solid na itim

Na T-shirt… ‘di pa halata kung uulitin!

 

Subalit ang lakad naming ito’y kaiba,

Mga pinuntahan dati’y may mga gera,

Akalain n’yo bang mapunta ‘ko ng Bosnia!

Eh sa Herzegovina gusto lang magsimba!

 

Eto kasing Medugorje sakop ng iba,

Para bang iskinitang sumingit sa Croatia

Na magpapaalam ka pa pag dadaan ka,

Sa’n ka naman nakakita? MISA MAY VISA?!

Simbang may collection… at meron ding inspection!

 May dala pang baril ang mga dadaanan!

Pero pagkatapos ay spirit celebration!

In short, GUARD BLESS YOU nga lang ang siste doon!

 

WOW, MALI! (Erratum): Two Sundays ago, nasabi ko na si Saint John The Baptist ang isa sa Tatlong nagpakita sa Knock nung Aug. 21, 1879 kasama si Mama Mary at si Saint Joseph. Si Saint John The Evangelist pala! Sorry John, next time magsusumikap ako!

BRVBAR

GAME OF THRONES

HOTEL EUROPA

IRELAND REPUBLIC

LANG

MAMA MARY

MARIAN SHRINE

NGEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with