^

Entertainment

‘SHORTS’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Nung araw na medyo bata-bata pa tayo,

“Yung tipo bang sa babae’y medyo din presko

Pagkat mas makapangyarihan ka tingin mo,

May espada’t nakasakay pa sa kabayo.

 

Rukrukan at nuknukan pa ng pagka-pilyo,

Binibini naman hinhin ay nakatodo,

Madalas na pambungad na tanong mo’y ito,

“Ano ang gusto mo, mga uod o tao?”

 

Eto ‘yung mga banat bago pa nauso

‘Yang mga “pick up lines” na nalalaman ninyo,

Ang dalaga naman sabit sa patibong mo

At may lakip pang ngiting sasagutin ito.

 

Naturalmente’t sa normal sagot n’yay “TAO”,

Pagkatapos ang idudugtong mo ay ito,

“Good choice! Dahil pag nawala ka na sa mundo,

Mga uod lang makikinabang sa iyo!”

 

Ang matindi ay nahabulan mo pa nito,

“Kung kaya habang nabubuhay ka pang ganito,

Ibigay mo na ang sarili mo sa tao …

Ako ay tao… at ako ay para sa ‘yo!”

 

Ngek! O, hindi ba isang uod din tulad mo?

Nangasusumiksik at nanunuot ito,

Pamapasok kahit hindi ka imbitado,

Ops, IMBITADO ka! Imbing Adelantado!

Ganyan kayo noon ‘yun bang sugod nang sugod,

Mapusok, palalo, malakas pa ang tuhod,

Pasikat kumbaga tila walang paglubog,

Ang dalaga naman lahat ay sinasahod.

 

Ilang tao noon dinadaan ang lahat

Sa pabilisan o ‘yun bang “quickie” o short cut,

And some chicks too if they’re “game” ang clue nila sa cats —

Magsusuot ng short shorts na bakat na bakat!

 

***

Nung 2010 kami ay nagkatuwaan,

Nag-Christmas sa ‘Pinas, nag-Christmas sa Japan,

Paano nangyari? Tinatanong pa ba ‘yan?

De umalis din ng Pasko! Ano ba naman?!

 

Maraming beses na ring ginagawa ganyan —

Pasko alis, Pasko pa rin sa pupuntahan,

‘Yan nga maganda kaya nagiging two-in-one,

Una ang oras natin sa ibang bansa d’yan.

At karaniwan din ay pa-New Year ang return,

Tandang-tanda ko pa ‘yuy December Thirty-One,

Nung pa-landing na plane naming galing sa Japan

Ay nag-announce ang Haponesang flight attendant,

 

“Ladies and gentlemen, we’ll be landing short …” ‘yun lang,

Ngek! Naturalmente ako ay kinabahan!

Eh kapos ang runway ang ibig sabihin n’yan!

Nang biglang, “…er, I mean shortly! Sorry…” ‘no ba ‘yan?!

 

Ano ba ang malay ko kung nasamid lang s’ya?

O mali lang ang pag-pause n’yat gamit ng comma?

Mga pasahero at s’ya man ay natawa,

“Shortly” na lang na-short cut pa!  Half-pon talaga!

 

***

Ito’y joke lang ‘wag mapipikon naman sana

Lalo mga tennis fans ni Roger and Rafa,

‘Di ba very short lang ang laban nung dalawa

Ngayon sa Wimbledon at marami nagtaka?

 

Tanggal agad sa First Round Nadal ng Espanya,

Second Round naman si Federer, anyare ba?

In short, eto na nga daw tunay na istorya

At hindi raw ‘to promo ng “My Husband’s Lovah.”

 

Maglalaro na raw itong si Roger sana

Nang biglang sa CNN ay nag-BREAKING NEWS na

Same-Sex Marriage inaprub na sa Amerika,

Nang maglaro si Roger wala itong gana.

 

After the short game ayon sa mga tsismosa,

Fly agad si Roger papuntang California,

‘Di na nga raw nagbihis suot pa rin ‘yung shorts n’ya,

Sapagkat nandun na’t naghihintay si Rafa!

 

 

ANO

DECEMBER THIRTY-ONE

FIRST ROUND NADAL

IMBING ADELANTADO

NANG

NUNG

PASKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with