^

Entertainment

‘STAY UP... Pag Binaliktad, PUYATS!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

May mga talagang nakakagulat na words,

‘Yung konek pa rin kahit you read it baliktad,

For example ‘yung “you stay up late” ang katulad,

STAY UP ay PUYATS pag binasa nang backward!

 

ILOG-GOLI — Kay Levi Celerio napulot,

‘Yan ang mga taong dila ko ay kautot,

Ngunit may “syllable swap” din like HOTSING! — SINGHOT! —

Konek pa rin — one palabas and one papasok!

 

It looks like ganado na naman Ang Poet N’yo,

Pero ‘wag na lang sa baligtaran isentro

At pang-Henyo Master ang usapang ganito,

Basta maglaro na lang ng salita tayo.

 

Meron pang syllable swap na iba ang gimik,

Dikit pa rin but may dagdag na pag nagpalit,

Tulad NGISI — isang ngiting waring may anghit,

Pag pinagpalit, dagdagan ng “T” ay SINGIT!

 

Sapagkat ang NGITI ay isa lamang TINGI,

‘Yung bang hindi bigay na bigay… tawang konti,

Meron pang Taglish tulad ng TIGIL at GILTI,

‘Di ba’t stop o tapos ka na pag ikaw’y GUILTY?!

 

Ang STOP at TAPOS halos pareho ng letra

At pati ibig sabihin ay kitang-kita,

Tulad din ng mga salitang TABAS — BASTA,

Hindi ba’t parehong pagputol dating nila?

 

Ang TIGIL at GILTI may anak pa ngang isa —

Ito ang GILIT —  gamit din ang limang letra,

‘Yan din ibig sabihi’t meron nang istorya —

GILTI? Kaya dapat GILIT para TIGIL na!

 

Ngunit may kaguluhan din mga salita,

Bakit pag tigil na sinasabi ring TAMA?

Tama na! Tigil na! Eh ano ba talaga?

Dapat nga kung tama ay itinutuloy pa.

 

“Tama” kaya naging “Tigil” ito siguro

Ay pagkat silabo ay pinagbaliktad mo —

TAMA — MATA — at ano sa Kastila ito?

Ops, pumatay ang ibig sabihin nito!

 

O ano, meron pa bang mas tigil pa dito?

May mga salita ring talagang magulo,

Kung hindi ba naman bakit sa palagay n’yo

Higit na mahaba HINDI kaysa sa OO?

 

Pero sa Ingles mas maikli na ito — NO!

At lalo pang magulo pag binaliktad mo,

Sige subukan n’yo — NO, magiging ON ito,

O, ‘di ba ON OO ibig sabihin nito?

 

At kung “hindi” naman ang inyong susuriin,

Animo’y “hello and goodbye” ang kanyang dating,

‘Di ba ang simulang HI parang hello na rin?

‘Tapos N-D-I…‘di ba’t tunog “AND DIE” darling?

 

At bakit minsan pag may tumawag sa atin;

‘Yun bang waring may nais itano’t sabihin,

O, ‘di ba’t “YES?” mabilis nating sasabihin?

O, ba’t umoo agad ‘di pa pala knowing?

 

Ngek! Ngayon alam n’yo na kung sa’n napupuyat,

Up to sun up ganito mga sinusulat,

Para bang nasa abroad —  oras ay baliktad,

Well, pareho lang ‘yan parang STAY UP and PUYATS!

KAY LEVI CELERIO

MERON

NGUNIT

PAG

PERO

TAMA

TAPOS N-D-I

TIGIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with