‘Tukayo Kasi TWO KAYO’
Pag pangalan ng tao ay magkapareho
Tulad “Jose†ako at “Jose†din Tatay ko,
Bakit nga ba “magkatukayo†tawag dito?
Kasi nga kaya TUKAYO dahil TWO KAYO!
Pwera lang nag-Joey ako’t Dad ko’y kumambyo,
Naiba na dahil sa mga nicknames ninyo,
Ang pangalan nga ba’y may ugnay at totoo
Na sasalamin sa tunay mong pagkatao?
Kaya ingat tulad sa Tatay ko na kaso,
Sound pa lang kasi ng palayaw ng erpat ko
Ay pagdududahan na itong babaero,
Kung ‘di ba naman ay PEPE tinawag dito!
Ngek! Naturalmente’y nagbibiro lang ako,
Mga salita ako mas interesado,
Ang kutingtingin ito ang gustong-gusto ko;
Ang bali-baligtarin at isirko-sirko.
Madalas matalakay sa pagsusulat ko
Ang mga salita saan man galing ito,
Na may natatago minsang kwento’t “misteryoâ€
At may nakakaaliw na bonus pa dito.
Tulad kung hindi ka madumi ay kanino
Hihingi ng tulong at tatawag na Santo?
Si ST ELIOT agad aking rekomendado,
ST ELIOT ay TOILETS kapag binaliktad mo!
Why is it whenever we step on “poopoo†we know
Agad-agad na nanggaling sa hayop ito?
Baligtarin ang STEP at makikita ninyo
Kasagutan at masasabing, “ Oo nga ‘no!â€
At napansin n’yo ba pag nakatapak ng “pooâ€
Ay agad kang napapa-“oop†at “Anak ng PU…!â€
At para kang nagiging adik ‘tapos nito —
Gegewang-gewang ka’t naghahanap ng DAMO!
At bakit ba tuta ang maliit na aso?
“Aso’t pusa†sa paslit ATUT PUTA ito,
Baligtarin ang ATUT ang makukuha n’yo
Ay walang iba kundi TUTA! Ano’ng sey n’yo?
At kaugnay nito I’m sure alam n’yo na rin
Ang pinanggalingan naman ng word na kuting,
Nung araw kasi sa mga Kano nanggaling —
Maliliit at nakakatuwa ay CUTE THING!
At bakit mga kamot sa t’yan umiimbak?
Sa matabang pumayat at bagong panganak?
Eh di baligtarin ang KAMOTS at nang ma-shock,
Bakit sa t’yan? Dyaran! ‘Yan ang sagot — STOMAK!
Ano ang “heard air†o naririnig na hangin?
Alam n’yo na ‘yon at depende sa kinain,
Subukang mga letra ng HEARD AIR rambolin
At DIARRHEA ang t’yak na palalabasin!
May ilang salita ngang “muntik-muntikananâ€
Tulad SUROT na dapat SIRIT ang pangalan
Upang pag binaliktad ay may kaugnayan —
SIRIT — TIRIS…baho lang ‘di mapapalitan!
And finally may isang tanong na lang ako —
Ano greetings kung tinuli ka ng birthday mo?
Eh ano pa ba kundi “CHOPPY BIRTHDAY TO YOU!â€
At pag may chop-chop may litson ‘yan sigurado!
HAPPY BIRTHDAY VIC SOTTO! I LOVE YOU PARE KO!
- Latest
- Trending