^

Entertainment

‘Snake Preview’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

A very big Merry Christmas from the Big Apple!

And a Happy New York!  na rin to all mga ‘tol!

Peace…Love…Hugs and kisses mga Ka-Iskul Bukol,

Basta sumasainyo lahat ng beautiful!

 

Sa dalawang lugar na naman po’y nag-Pasko,

Kung minsan kasi’y Many Christmas intindi ko!

Korek! Lumipad ako nung a-beinte-singko,

Kaya hanggang Nuyir nasa Nuyok po ako!

 

Ewan ko ba at “New” pa rin ang tawag dito

Eh lumang-luma na rin ang lugar na ito,

‘Yung dati nga n’yang pangalan may “New” din kuno,

Siguro para dating n’ya ay laging bago.

 

Anong malay n’yo ipinangalan pa dito

Ang ating presidente — si New New Aquino!

Teka, ba’t nasama si Benig-new Aqui-new?

N’yok! Nuyok-Nuyokan na ng kakornihan ‘to!

 

Yes! Bagong taon na the day after tomorrow,

Kaya kamaisan pabayaan n’yo na’ko

At pabayaan na ring batiin ko kayo

Ng…Happy New Year! Mabuhay ang Pilipino!

 

And now…the “N” is near? “New” ibig sabihin ko,

Tapos na ‘yung “end” nun pang a-beinte-uno,

Mangyayari na kaya sa atin ay ano?

Year of the Snake naman sa a-dyes ng Pebrero.

 

Kaya bukas ng gabi pagsalubong na n’yo

Sa Year Twenty-Thirteen ang sisindihan ninyo

Ay ‘wag kwitis o bawang at kung ano-ano,

Puro “sawa” lang para swertehin siguro.

 

At ano nga kaya mga mapalad gawin

Pag Taon ng Ahas? Kung ako tatanungin,

Tungkol lang sa pag-ibig aking sasagutin —

Hmmm…Year of the Snake? Nililigawa’y gapangin!

 

Ngek! He, he, he…nagbibiro lang po si Starzan,

Pero ang isang ‘to ay walang kalokohan —

Pag ganito ang taon ingat kaibigan,

Maraming nakapagpapalit ng balat d’yan.

 

Kung meron ang ahas na isang katangian —

Hindi mo malaman tunay na katauhan,

Naghuhunos nga kasi ang mga balat n’yan…

Kaya mga lalapit sa ‘yoy kaliskisan.

 

Naghuhubad at nagbibihis ang ulupong,

Matahimik lumingkis wala man lang ugong,

At kapag ang pangil n’ya sa ‘yo na’y bumaon,

Mabagsik na kamandag sa ‘yo ay lalason.

 

Hanggang ngayon nga’y pinag-iisipan ko pa —

Bakit magkatunog ang “sawa” at “asawa”?

At masyado ring malapit sa “ahasawa”…

Ubrang tumuklaw din sa ‘yoy isang kasama.

 

Sa tubig o lupa…sa itaas at ibaba,

Naririyan  lang s’ya at laging nakaamba,

Tinitira lahat maging tao o daga,

Matibay talaga…pag-usad ay sikmura.

 

Ginamit kong salita sa ahas kanina

Kung mapapansin ay “katauhan” talaga,

At baka kasi nakakalimutan n’yo na —

Nang magsimula katauhan…nandoon s’ya.

 

Ang ahas ay tao…at tao ay ahas din,

Nauna pa s’ya kay Adan kung tutuusin,

Naka-balatkayo lang para ka tuksuhin,

Walang kamay at paa ngunit bumibitin.

 

Basta ‘yan lang muna sa Taong Twenty-Thirteen,

Ako nama’y ‘di gaanong mapamahiin,

Bye muna’t sa Fifth Avenue ay magsa-shopping,

Bibili lang ako ng sapatos na snake skin!

 

 

ERRATUM: Nabitin ba kayo in last Sunday’s article? Eh kasi nga wala ‘yung last two stanzas! Well, nandun na ‘yon kaya…nandito na (?) —

 

Saka para puro “B” dahil second time na

Boy, Baby, Boa, Banana…galing ko ‘di ba?

Dahil mga “A” naman ginamit nung una

Adam, Apple, Ahasat ‘yung girl pa nga pala.

 

Ganito kasi ‘yon at eto ang istorya

Una si Adan at lahat ay “A” alam n’ya,

Kaya nung ang girl sa buhay n’yay sumulpot na,

Tanong n’ya agad, “ ‘A’ ba?” Kaya naging Eba.

 

vuukle comment

HELLIP

KAYA

LSQUO

MDASH

NEW

YEAR OF THE SNAKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with