^

Entertainment

'Basque Wishes'

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Nung September 19 dumating sa Espanya,

Lumipad ng Bilbao galing ng Barcelona,

Sa layo ng viaje’t ako nga’y lumayo na

Ngunit mga balita ayu’t umangkas pa.

Tulad na lang ng Small Town Lottery kuya,

Say ni PNoy, “STL — Stop, Tigil, Leeg na!”

Eh pa’no naman nabuking sa pangalan n’ya —

SMALL… maliit… anak? ANAK NG JUETENG s’ya!

At ayan na ‘yang mga YouTube — YouTube na ‘yan

At pagmumulan pa yata ng kaguluhan,

Lalo na ‘yung trailer na medyo Anti-Islam,

Lahat gustong magbida’t may kapangyarihan.

At naging nuknukan na ng pakikialam;

Lahat artista na’t kanya-kanyang himpilan,

Aba’t lumabis na yata ang kalayaan,

Iba’y TUBO na sa ulo ang kailangan!

Korek! U-Tube o tinutubo na sa ulo,

‘Yan na nga ang dapat gawin sa iba dito,

Sumobra na ang tapang at umaabuso,

Ito na nga ang anarkiyang makabago.

Ang cyber nga ng iba siga-siga sila

Sapagkat kahit ano’y nagagawa nila,

Ang sabi ko naman araw n’yo ay bilang na,

Meron nang batas na pinasa si Angara.

Tubo ka mang may laya ngayong tumirada,

Wari ko’y panahon na para linisin ka,

Lumalabas na nga sa ‘yo ay kalawang na

At marami ka nang barang nakakasuka!

About two weeks ago ay biglang gumulantang

Na mga UK Royals na-scandal na naman,

‘Tapos ni Prince Harry na lumabas ang kuwan,

Sa misis ng utol n’ya nag-fiesta ang bayan.

Si Prince William at Catherine na-alta presyon;

Na-paparazzi sila while nagbabakasyon

At sunbathing nila sa magazines humantong —

Na-“Kate” o nakita ang “middle” ni Middleton!

Kung tutuusin ito ay bale wala lang,

That’s my daughter Jocas and my wife Eileen at the Arcos Rojos Bridge (Puente de la Salve) in Bilbao. Behind them is the Guggenheim Bilbao Museoa.

Ordinaryong sa beaches sila’y tumiwangwang,

Kaya nga lang medyo iba dito usapan

At privacy nila ang pinakialaman.

At kung babalikan pa nga ang kasaysayan

Ng mga sinaunang Royal Celebration,

Lalo’t paglabas ng tagapagmana ng crown,

Okey lang sa Reynang makita kanyang kuwan!

Sapagkat noong araw pag Reyna’y nagsilang,

May tinatawag na “audience participation” —

May ibang mga taong siya’y tinitingnan

Habang s’yay nanganganak… nang ‘di mapalitan.

Ngek! Yes, Your Highness at ‘yan ang katotohanan,

Sila ang mga saksi na walang dayaan

At ang sanggol nga’y sa Dugong Bughaw nagdaan —

No switching ayon sa Commission on Elections!

Eto naman ibang klaseng celebration —

Birthday ‘yon ni Eileen na my one and only one,

September 20, my daughter Jocas pa’y nandon

At lumipad pa ito galing pa ng London.

At dahil nasa Bilbao pa rin kaming tatlo,

Euskara or Basque salita nila dito,

Kung kaya nga imbes na, “Happy Birthday to you…”

Isang malakas na “ZORIONAK!” nasabi ko.

At syempre pa tinuloy ko na pagpapakyut —

“I Love You” in Basque sunod kong ipinaabot,

Sabi ko pasensya na at medyo mabantot,

“Te Amo” talaga… but in Basque… MAITE ZAITUT!

ARCOS ROJOS BRIDGE

BILBAO

DUGONG BUGHAW

LSQUO

MDASH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with