'Nuyok, Nyuk, Nyuk!'
(First of two parts)
Ako po ay nasa Malaking Mansanas pa
At graduation ng Pinoy HeNYU ko’y tapos na,
Ngunit ‘di pa rin mawala sa alaala
Mga pangyayari nang sa Nuyok papunta.
Halos labintatlong libong kilometro s’ya
O halos walong libo’t isandaang milya
Mula Hong Kong hanggang Nuyok ang distansya
At oras ng paglipad — higit labinlima!
Ngek! Ang kuyukot ko ay ang sakit-sakit na!
Mukhang hindi na kyut ang b’yaheng Amerika,
And for the first time naka-tatlong pelikula
At iPad na dala naubos ang baterya!
Nuong araw ay medyo kayang-kaya ko pa,
Pero putol-putol ‘yun at pa-lima-lima —
‘Yun bang tipong limang oras na lipad lang ba
At hindi direct long flight sa may claustrophobia!
Kapag estado ng edad mo’y paubos na,
Estados Unidos parang ibang planeta
At lalo na’t sa Nueba York ang iyong punta,
T’yak pagkatapos mapapa-“Anak ng _ _ _ _!”
Kung hindi lang birthday ng anak ko talaga,
Eh Nuyok time na nga nung aming iselebra,
At ang ibig sabihin nun eh alam n’yo ba?
Birthday n’ya sa Pilipinas ay natapos na!
Sorry, favorite ko lang ang Cathay talaga,
Eh kasi nga sa Hong Kong stop may shopping ka pa,
Pero lately sa Cathay… Cotai napupunta,
Nandun kasi Macau… ang lapit-lapit lang n’ya!
Jus Cotai! At nabalitaan ko pa pala
Na ‘yang Kalburo Shoal pinag-aawayan pa,
At na-humor pa daw tuloy kayo ng Tsina
Na Chinese territory din ang ‘Pinas baga.
Ha, ha, ha… ayan kasi sabi nang tama na,
Marami sa atin Chinese naman talaga,
Eto na naman ako’t nagpapakilala —
My real name — JOEY DY LEE ONG! Ano, ayos ba?
Si Ryan nga Go Sy Lee Yu… at si Vic, So Toh,
At kung kaya nga may “Eat” ang aming titulo,
Dahil pansiterya naman talaga gusto,
Ano kaya, gawin na naming EAT BULALO!?
O eto pa para maniwala na kayo —
‘Yung chorus ng theme song namin napansin ba n’yo?
Mga talagang letra nun ay naririto —
“Tsina Tito, Vic at Joey…” well, and now you know.
Kaya nga dapat palitan na ‘yang slogan n’yo
Ng “It’s more TAN in the Philippines” para terno,
Ops, teka lang… kwentong Nuyok balik na tayo,
Here in Manhat-TAN — Chinese territory din ‘to!
Sa t’wing sa Bigapol ako ay mapupunta,
Hinahanap ko agad ay mga latest n’ya
At ‘yung mga may “kwela-fications” lalo na,
Dito kasi sa New York laging may “new” sila.
MARUMI Japanese Restaurant ang nauna
Kaya lang nung aming pinuntaha’y sarado pa,
So nag-birthday dinner na lang sa Japonica —
Siguradong “malinis” at Japanese food s’ya!
Dito’y maraming lugar na nakakatawa,
Maliliit lang pero tao’y pumipila,
Tulad ng Ugly Kitchen beside Maharlika,
Sayang nga lang at closed pa at pinapaganda!
Ngek! Kaya sa Luke’s, East Village kami napunta,
Lobsta Mobsta! Kung sa may sipit mahilig ka,
Pagkatapos nag-chorva-tes dun sa tabi n’ya —
Big Gay Ice Cream Shop… mismo! Owned by a baklita!
And speaking of mga baklita’t mga bading,
After watching the Beach Boys at Beacon I did learn
Na sa same sex marriage Barack pumayag na din,
Hindi kaya dahil ang kanyang Vice ay “Bi” den?
(To be continued)
- Latest
- Trending