^

Entertainment

'Bakit List'

ME, STARZAN - Joey de Leon -

Marami ang “bakit” at mga katanungan,

Subalit higit pa ang mga kasagutan,

Siguro’y iniisip kung ano ang dahilan,

Bukod kasi sa “kasi” ay meron pang “ewan.”

“Bakit” ay iisa, “kasi” ay iba-iba

At ‘yay depende pa kung maniniwala ka,

Kaya nga ‘yung iba sagot ay dinadala

Dun sa nakakaaliw at nakakatawa.

Atin ngang sagutan ang ilan sa listahan

Katulad ng “bakit mga kalalakihan

Hayup ang tawag sa may magandang katawan,

Lalo’t kung ito’y naka-panty at bra lamang?”

Hayup ba ‘kanyo? Ito ang aking dahilan —

Kasi panty at bra hayop pinanggalingan —

Panty ay ele-panty... bra ay ze-bra naman,

O, ano ngayon sagot n’yong may kahayupan?

Naturalmente lalaki may sarili din,

Ang panloob kaya saan naman nanggaling?

Sana naman ay ‘wag n’yo na akong pilitin,

Dahil ang sagot ko ‘di n’yo rin tatanggapin.

Ang tingin ko kasi “brief” ay galing sa baka,

O ano na? Hindi ba nga at may corned brief pa?

Bakit kelangan n’yong manuod ng The Biggest Game Show in the World Asia? Kasi hindi bawal maiyak sa katatawa. 

At ‘yung “trunks” naman saan n’yo ba makikita?

O hindi ba’t elepante din makukuha?

Pag lumabis ang galing sa pangkaraniwan

Sa isang bagay ng nilalang na naturingan

Ay hayup na hayup din nating babansagan —

Kantahan, sayawan at hayup sa higaan!

Sa gawi man o ugali at kaanyuan,

Madalas ding ihambing sa sangkahayupan

Tayo tulad boses palaka’t utak langgam,

At isang kuneho mahilig sa anuhan.

Ipagpatuloy na natin hayup na paksa —

Bakit sa palagay n’yo kapag may magsyota,

At sa pag-ibig nila ay may sumisira,

May isang ahas ang ating inaakala?

At tanging dahilan na aking nalalaman

Kung bakit isang ahas ang kanyang pangalan,

Tahimik at patago’t isang galaw lamang

Kanyang ginagawa — ito ay ang panggagapang.

Kayat inaahas ang inyong kasintahan

At s’ya nga ng ulupong ang ginagapangan

At mga balat nila ay nagtatanggalan

At wala ring humpay ang kanilang tuklawan.

At bakit nga ba kapag isang romansahan

Ay umabot na sa langit at sa sukdulan,

May ilang nangangalmot at nagkakagatan?

At minsan may maririnig pang, “Hayup ka Juan!”

Bakit baboy tawag pag medyo salaula?

How baboy like the pig if you are balahura,

But the pig eats anything including the etcha,

Yak! We don’t... we just eat the eater and the botcha!

Tinatawag ding baboy mga matataba

At mga malalakas lumamo’t masiba,

At kasi sa iba tao rin ang may sala —

Ponytail at pigtails tao rin ang may gawa.

Puro kasi kahayupan mga termino,

Imagine ‘yung sa girls — beaver, pussy, camel toe,

Sa boys naman ay cock... Ba’t ‘di na lang Pedro?

Kunsabagay ako nga... Joey ay kangaroo.

At may LEON pa nga sa aking apelyido,

At sa may Pelican pa nga nakatira ako,

Hayup ang pangalan... hayup ang tirahan ko,

Ano pa nga ba kundi hayup na buhay ‘to!

* * *

At kung gusto n’yo ng hayup na new TV show,

The Biggest Game Show In The World Asia tingnan n’yo,

beginning tonight on TV5 tuwing Linggo,

After Talentadong Pinoy mga pare ko.

vuukle comment

AFTER TALENTADONG PINOY

BAKIT

BIGGEST GAME SHOW

HAYUP

KASI

LSQUO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with