^

Entertainment

'Hap-Pinoy-Yir!'

ME, STARZAN - Joey de Leon -

“Now na!” — ang sinasabi ni Boy Abunda,

“Iskul Bukol!” naman say ng Escalera,

At ‘yan daw ang “mother tongue” natin talaga,

Mother Tongue? Hindi ba dapat ay Tongue Ina?

Mga Ingles na inispel sa Tagalog,

Subalit yaong orig pa rin ang tunog,

Katulad ba ng “seksi” o “iskul” na word,

Kaya’y pinaghahalo like, “You’re so libog!”

Taglish or Englog ang tawag natin dito,

What-what mix-mix na Pinoy-Amerikano

And there nga really tayo more at home sa true,

Mga 1950s nag-start at nauso.

At Tagnish or Spanglog ang moderno noon,

Dito sa ating nasyon ang konbersasyon,

Porque kung kanino man ang okupasyon

Ay ‘yon din ang lengua na napapanahon.

Kung nagtagal pa siguro mga Hapon

At lumagpas pa sakang ng tatlong taon

Ay malamang tawag na natin sa condom

Ay “utenpura” o “pambarot ng hipon.”

At ‘yung “Ang kili-kili mo ay mabaho,”

Ay uubrang magiging “Hoi, may pu-tokyo!”

At kung sakaling mas malala pa dito,

“May nag-harakiri sa kiri-kiri mo!”

Kung Italy kaya ang sa ati’y sumugod,

Eh di salita natin ngayon ay IT-LOG!

At kung Vietnam naman sa atin lumusob,

Di paghuhusayin ko ang aking VIET-LOG!

Ang Pinoy kahit patse-patse salita

Ay pupwede kahit saan mo igala

Sa buong mundo at sino mang banyaga

Kayang harapin at makisalamuha.

Unang dinig ‘di mawawala sa limot,

1960s yun triple mix pa ang sundot,

“Taganishglish” kumbaga, it was very cute —

Ang sabi, “Mira la dog no tiene buntot!”

Ang mga sosyal lang ang naggaganito

At mga babae lang tandang-tanda ko,

Mga colegiala mahilig dito,

Here’s one more — “Why did you make putol your hair?” O?

Tingnan n’yo naman ngayon what is happening —

“Hir na me wer na you?” ang bagong dumating,

Anakondang putol! Wrong spelling pa mandin,

Nasa write and read na ‘di lang spokening!

‘Di na mapipigil ganitong lengwahe,

May salitang kanto’t kalye pa nga pare,

May sila-sila lang at may kami-kami

Ang makakaintindi... at may BEKI!

O papa’no na? Anak ng pokpok naman!

Ask for me (kung ako tatanungin ‘igan),

OXO ‘yan... sigue-sigue lang ... go, going, gone!

Ang mahalaga’y nagkakaintindihan.

*    *    *

HAPPY NEW YEAR TO ALL! 

ANG PINOY

AT TAGNISH

BOY ABUNDA

ISKUL BUKOL

KUNG ITALY

LSQUO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with