^

Entertainment

I 'booked' a career

ME, STARZAN - Joey de Leon -

Last week, nabanggit ko si Carina Afable

Na isa sa dahilan sa ‘king showbiz entry,

Kasama din d’yan isang barkadang salbahe,

Konting dunong, konting kapal at swerte s’yempre.

 

Mga late sixties ‘yon sa ABS-CBN,

Nang magpunta sa noontime show’ng “Stop, Look & Listen,”

Nag-deliver ng damit, sumabit sa bespren,

Kay Carina nga na isa sa mga hosts then.

 

Dahil napaaga nag-ikot-ikot muna,

At sa kauusyoso ‘sang studio napunta,

Mayroong audition para sila’y kumuha

Ng mga announcers para sa radyo nila.

 

Ang hindi malimutan at tandang-tanda pa,

Tungkol sa Meralco Plug unang binabasa,

Kapag sumalengkwang boses at bokadura,

Agad na “Thank you” at “Next please” ang ihuhusga.

 

“Meralco moves forward ...Meralco lights villages ...” —

‘Yan ang umpisa ng maraming mga pages,

But kung “Miralku mubs purward ...” at boses ipis,

Kahit saang school ka pa galing biglang recess.

 

Dahil naaaliw lingid sa kaalaman,

May binalak pala ang aking kaibigan,

Palihim na sinulat ang aking pangalan,

Binigay kay Mortera — gwardya ng audition.

Maya-maya ‘di ako makapaniwala

Nang ang aking pangalan ay tinawag bigla,

Nang inulit ito sabi ko’y ako na nga,

Pagtingin sa barkada tumama hinala.

 

Ngiti ng kaibigan halatang-halata

Na s’ya na nga gumawa at s’yay may tiwala,

At sa puntong ‘yon “paghamon” n’yay KINOL na nga,

At bukod kasi dun makapal aking mukha!

 

Dahil nasa likod naglingunan ang madla,

Lahat sila’y nakabihis at nakahanda,

Tila may tanong — taong ito sino kaya?

Pagkat hindi bihis at buhok pa’y mahaba.

 

‘Di nila alam ako’y marunong mandaya,

Para tinig lumaki kapag nagsalita —

Lumapit sa mikropono para bumaba,

At sa binabasa bigkasin lang nang tama.

 

At nang malusutan ko ang plug ng Meralco

At marinig ang “next page please” Thank you po Dios ko!

Ilan pang pahina aking naipanalo,

At sa last test swerte na ang pumasok dito.

 

Pag lumusot ka na may tatlo kang minuto

(Subalit pagkatapos na nang malaman ko),

Isa sa dalawa pagagawa sa iyo

At ang isa dun ide-describe mo ang studio.

 

At ano naman noon ang nalalaman ko?

Ngek! Tungkol sa mga ilaw at entablado?

Eh nun pa lang nakatapak ako sa studio,

At sa Ingles pa mandin ang kanilang gusto!

 

Buti na lang dun ako sa isa natapat —

Tungkol pa sa sarili mo ang hinahanap,

At dito’y malaki aking pasasalamat,

Dito na rin pagka-komiko’y nabulatlat.

 

Sinimulan ko nung ako’y ipinanganak,

Mga duktor at narses at oras na tumpak,

Alas onse cuarenta y cinco na exact,

At syempre pati araw — sa Lunes pumatak.

 

At sa puntong ‘yon ang lahat na’y nagre-react,

Killer instinct syempre binyag agad binanat,

Mga ninong at ninang sinabi kong lahat,

Pati mga regalo na aking tinanggap.

 

Ang seryong audition iba na ang tinahak

At bibig ko nama’y ‘di tumigil sa dakdak

At binigay ko na ang panghuli kong saksak

Nang sinabi ko ang date ng una kong haircut!

 

Pinagsamang halakhak at palakpakan na

Ang aking tinanggap at lalong umingay pa

Nang ako’y umangal na waring nairita,

“Sabi n’yo tell you more about myself, hindi ba?”

 

Thank you very, very much sa aking baby book

At memorized ko s’yat lahat ng nakapasok,

Ngunit eto ang isang nakakakilabot — 

Nang matanggap na nawala s’yang parang usok.

 

At ‘yun na nga nangyari ladies and gentlemen,

‘Di magsasawa to tell you again and again,

Pero ang the best part nang ‘di kayo mabitin —

Nang marinig ang, “Mr. de Leon, please remain.”

 

Yun nga palang istudyong pinag-audition-an,

‘Yun ang tinatawag at orig na Studio One,

At alam n’yo bang pagkalipas ng panahon,

Naging studio ‘yun ng EAT nang kami’y nandoon.

 

“And the rest is history” — ‘yan ang kasabihan,

But the truth is I did not rest pagkatapos n’yan,

At “history” talaga dahil ako lamang

Nakaupo sa lahat ng pitong himpilan!

AKING

AKO

DAHIL

LSQUO

MDASH

NANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with