^

Entertainment

'A Dirty Story'

ME, STARZAN - Joey de Leon -

Sa ilan ding ulit sa Roma pagpunta ko,

Ngayon lang napasok ang Pantheon sa totoo,

At akin ding nalaman nakalibing dito —

Dakilang Raffaello Sanzio da Urbino.

 

Itatanong siguro eh sino ba ito?

Isa lang naman s’ya sa inidolong tatlo

Sa larangan ng pagpinta’t pag-aarkitekto

Kasama ni Da Vinci at Michelangelo.

 

Ang High Renaissance noon sila ang nagplano;

Ang Tito, Vic & Joey ng panahong ito,

Marami s’yang babae ‘yay ayon sa kwento,

Ngayon, sino kaya siya sa aming tatlo?

Mas kilala sa bansag na Raphael ito,

Pinangalan pa nga sa anak kong si Jako

At akalain bang nakita’t nakunan ko

Mga libinga’t himlayan ng tatlong henyo.

Michelangelo’t Raphael Firenze’t Roma,

Si Leonardo da Vinci nitso ay sa Francia,

Pag puntod ni Donatello aking nakita,

Teen-Age Mutant Ninja Turtles kumpleto ko na!

 

Teka, pero ‘wag muna kayo d’yan matawa

Dahil nung mga three weeks ago sa Italia,

Nang ang Eat, Bulaga! Dabarkads ay nagpunta,

Maraming first-timers at maraming kwela.

 

Eileen with a spray of that Tuscan sun at the beautiful gardens of itre pini in Impruneta, Firenze. Background lang talaga ako dito. (Photo courtesy of Pauleen Luna) 

Lalo na ang kalbo na si Wally Bayola

At unang biyahe pa n’ya sa Europa,

Dahil sa paghanga n’ya sa mga nakita

Ay binabalak ba namang mag-TNT na.

 

At s’ya daw’y mag-aasawa ng Italyana,

‘Yung may buhok sa kili-kili’t six-footer pa,

At kami ay nagulat sa mga criteria

At nang aming tanungin ito sinagot n’ya —

 

“Paglakad nami’y laging paaakbay ako,

Natural kili-kili n’yang mabalahibo

Matatapat at eksakto sa aking ulo,

Fantastico! May instant buhok ang ulo ko!”

 

At meron pang isang gusto itong si kalbo —

Ang makakita ng “Godfather” na totoo,

Sabi na lang namin kung s’yay talagang seryo,

Gumitna s’ya sa kalye’t maghamon ng gulo.

 

At nung kami’y mapunta sa San Gimignano,

Natikman namin nag-World Champion sa gelato,

Ito na nga ice cream ng mga Italyano,

Naisip namin ni Wally ang Pilipino.

 

Say Parmigiano — that’s me and Eileen with Tony and Mads Tuviera, Malou Choa-Fagar and some of the Eat, Bulaga! Dabarkads and friends

Na itong maliit na lugar sa Toscana

Ay nagwawagi ng award eh tayo pa ba?

Walang gelato pero may pambatong iba,

Sabi ni Wally, “Dirty ice cream o hindi ba?”

 

At ako ay napaisip at oo nga pala,

Tumpak at may utak talaga si Bayola,

Nang tanungin anong award ang naisip n’ya,

“The Dirtiest Ice Cream in the World!” Mamma Mia!

***

P.S. : Pamplona, Spain next week.

vuukle comment

BULAGA

DA VINCI

DABARKADS

DAHIL

DIRTIEST ICE CREAM

EILEEN

HIGH RENAISSANCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with