^

Entertainment

Of nicknames & nek-nek names

ME, STARZAN - Joey de Leon -

Ayos at nakaraos na naman isang show

Ng Eat, Bulaga! Gang nuong isang Sabado,

Mga taga-Vancouver naman ang ginulo,

Ito ang “Thank you sa itaas” na totoo.

Sa itataas sa North America nagpunta,

Kumanta ang barkada at nagpatawa,

Pero eto ang higit na nakakatawa —

Nang mag-shopping nung Linggo, ang malls nakasara!

Eto pa kwela tungkol sa ilang first timer —

Pumunta pa ng bundok to see some grizzly bear,

Lalong gininaw nang wala kahit vancou-bear,

Nagha-hibernate pa pala ang Jaskeng Bie-bear.

At meron pang ibang naghanap ng maple tree,

Pagkat dahon nito ang symbol of the country,

At naghanap kami at halos masid-bwitre,

Op kors wala na naman at taglagas kasi.

Nuong nandun kami’y kainitan ng hockey,

Kasabay din ng finals ng laro ni Kobe,

Kaya “Go Canucks Go!” ang sigaw ng marami,

“Canucks” tawag nila sa mga taga-rine.

Canucks mga Canadians na “kanaks” ang basa,

Kung baga sa atin “Pinoy” tayo kilala,

Yankee sa U.S.A. at Ozzie sa Australia,

New Zealand ay “Kiwi,” sa Japan “Popong” sila.

But the latest nickname sa mga samut-sari

Ay “Azcals” — mga Pinoy na may ibang lahi,

Kung saan nagmula ay hindi mo mawari,

Sounds “asong kalye” but oks lang basta pogi.

Pero tawag sa “askal” sumasama meaning,

Sapagkat sa iba d’yan iba na ang dating,

Kung dati’y tisoy at futbol, ngayon ay naging

“Asawang Kaliwete” ang ibig sabihin.

Ang nickname, palayaw, Also Known As or alias

Ang tawag pa nga sa isang tao madalas,

Iba’t-iba pinagmulan kaya lumabas,

Kung minsan ay tukso o may pagsuyong bigkas.

Vicente, Marvic, Jose — ang sa aming tatlo,

Hindi ba’t medyo may kakwanan ang totoo?

At minsan naman sa kasakitan ng tukso,

Matinding kasikatan ang tatanggapin mo.

Tingnan si Pugo at Tugo, Pugak at Tugak,

Meron pang Tuko at Tuka, Tange at Manok,

Ngunit tila ngayon wala nang tumatatak,

Maliban na lang sa ilang animo’y latak.

Mga Lopito at Patsy na ay nasaan?

Chichay, Tolindoy at Dely Atay-Atayan,

At hindi pa nagkasya ito’y tinambalan,

One more laman — loob — Andoy Balum-balunan.

At kung minsan hindi lang isa ang pangalan,

May apelyido pa nga pag nagkatuwaan,

Si Lopito at Patsy pambuong pangalan,

Presenting: Pachochay and Lawiswis Kawayan!

Ang bansag na cute ay nickname ang katawagan,

Pag medyo asiwa ay nek-nek name naman,

Ngunit ang palayaw sa ating kasaysayan

Malaki rin ang papel na ginagampanan.

Kaya ‘wag pagtawanan ang Azcals na “aso,”

Pagkat first hero ay “ isda” — si Lapu-Lapu,

At noong panahon nga nga Katipunero

Ay ginawang “tandang” si Melchora Aquino.

Kaya tama ring sabihin sa madlang tao

Na hayop talaga ang mga Pilipino,

Ano mang dumating na problema at gulo,

Sinasabi natin lagi, “SISIW lang ito!”

ALSO KNOWN AS

ANDOY BALUM

ASAWANG KALIWETE

AZCALS

DELY ATAY-ATAYAN

GO CANUCKS GO

JASKENG BIE

KAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with