^

Entertainment

Tel-Mo Darling Mo - I Love You!

ME, STARZAN - Joey de Leon -

Kung Heart Fat Choi! Ngek! Di kaya ito’y abuso?

Kasi nama’y Araw ng Puso na tomorrow,

So kung bukas na ang romantic day na ito,

It’s OK lang pala to call today “foreplay” ‘no?

 

And this is also the day for OFW,

Ano ba kayo? Don’t tell me that you do not know,

February thirteen palagi ang patak nito,

OFW — Other Families and Wives ‘to.

 

Pero bakit nga ba may araw na ganito?

Hindi ko po maunawaan sa totoo

At inilagay pa sa buwan ng Pebrero

Na take note mga dear, ‘yan ang month na number two.

 

Ngek! Oh no! Nagkataon lang naman siguro,

Pero bakit nga may selebrasyon na ganito?

‘Di ba love dapat every day sa mga tao?

Maybe it’s true — malaki lang itong negosyo.

 

Well, nand’yan na ‘yan at ‘yan ang dinatnan ko,

So sige na lang let’s move on sabi nga ninyo

At tuloy pa rin mga Feb thirteen’ng routine mo

Na “Wife goes on while another love life goes on, too.”

 

Pero hindi ba ninyo naiisip ito —

Ang araw na ito’y para sa isang santo,

Hinandog at inalay kay San Valentino

At imbes simbahan nasa motel kayo.

 

Ang tanong: Sumisimba ka ba sa simbahan?

Teka lang, o sumisimsim ka lang pala kay Hon?

Anak ng puto kutchinta ba’t nagkaganon?

Kunsabagay, sa Santa Mesa marami n’yan.

Jocas and Eileen with the biggest escargot in the world. (Milan, Italy)

 

Kaya ngayon nga tayo ay naliwanagan

Na meron talagang mga santong paspasan,

At ano “paspasan” sa English translation?

Eh ano pa nga ba eh di “quickie” lang naman.

 

Matagal nang naririnig ‘yang kasabihan

Tungkol sa mga santong dasala’t paspasan,

Sana’y naipaliwanag ko ang ugnayan

Sa maikling panahon o “short time” man lamang.

 

Subalit bakit nga ba hindi maiiwasan,

Sa aminin man n’yo o magmaang-maangan,

Na pag Valentine’s Day na ang pag-uusapan,

Nasa utak ng binata ay romansahan?

 

At ang romance na ‘yan para may kaganapan,

Sa malamig na lugar dapat ang hantungan

At hindi papunta sa paupong hapunan

Kung hindi sa isang pagsasalong pahalang.

 

At dahil d’yay nanumbalik sa ala-ala

Ang isang pangyayari na nakakatawa,

Isang Araw ng Puso ay aking nakita

Sa pinto ng isang motel ay nakaletra —

 

Romeo and Juliet, Anthony and Cleopatra,

Merong Adam and Eve, Malakas at Maganda,

Nang biglang na-shock sa susunod na nakita

Pagkat may nasingit na Chad and Jeremy pa!

* * *

Pero seriously let us celebrate tomorrow,

Kasama s’yempre ang pinakamamahal mo,

Huwag kang magtipid gastos mo ay itodo,

I-dinner si sweetheartchampagne, caviar, escargot.

 

At kung ikaw ay wala kahit isang kusing,

Walang pang-champagne at expensive na pagkain,

Ituloy mo pa rin Valentine date kay darling,

Tirahin n’yo na lang suso, bagoong at gin. 

 

Happy Valentine’s Day to all!

ADAM AND EVE

ANTHONY AND CLEOPATRA

CHAD AND JEREMY

HAPPY VALENTINE

LANG

LSQUO

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with