^

Entertainment

'Tito, Bossing (PNoy) & Joey (Rizal)'

ME, STARZAN - Joey de Leon -

Ano ba mga pinagpiyestahang isyu

Nitong mga huling araw pare’t mare ko?

‘Yun na naman bang mga girlfriends ni Aquino

Na walang matuloy-tuloy dahil sa diario?

 

Nauudlot tuloy dahil malisyoso,

Mahirap din pala pag binata lider n’yo,

Sinabi lang naman ni Noy nu’y boss n’ya kayo

At malinaw na hindi para mag-bugaloo.

Tutal ang ugali n’yo rin ay ang gugulo,

Mga partners ng pangulo sinusuka n’yo –

Mapa-First Lady man o Unang Ginoo,

Laging may komento kayo’t ‘di makuntento.

At least minus one na problema ni Aquino,

Kung ako nga, for a change, may number one and two!

May two houses din parang Congress at Senado

At walang kasalan para pwedeng tatlo!

And who knows, The King & I style pa ang mauso,

Tatlo ang First Ladies kasi din Third World tayo,

At t’yak sa lovelife puna ng tao sesentro

At hindi sa pamamalakad ng gobyerno.

Nakow mga moralista ng pagbabago,

Nakatayo na naman mga balahibo,

Hoy tigilan n’yo ko’t magbago na nga kayo,

Kung minsan sa ganyan d’yan tayo aasenso.

 

Tingnan n’yo si Clinton nung may Monica ito,

Maganda din ang buhay ng Amerikano,

Ba’t ‘di natin subukan ang ibang istilo,

Baka maging epektib anong malay n’yo?

Si Rizal nga po na ating National Hero,

Hanggang sa bumulagta ay binata ito,

Ngunit maraming mujeres ang na-link dito,

Iba’t-iba pang lahi’t walang argumento.

“The Third” naman si Noy pagbigyan na ang tatlo,

And there are three stars naman sa bandera tayo,

But wait, there’s a problem pag maraming may gusto,

Ngek! How do we now say,Noy, ang haba ng hair mo!?”

* * * * * * * * * * * * * * *

Kung hindi pa n’yo alam aming kabarkada

Kung sino kay Tito at Joey ang mas kuya,

Ngayon lang malalaman siguro ng iba

Na ako po ang mas matandang Escalera.

 

Ngunit konti lang naman ang diperens’ya

At kung tutuusin hindi mo mapupuna,

Lamang lang ako sa “bu-ang,” este b’wan pala,

Pero nun sa Iskul Bukol s’ya aking kuya.

 

At bilang Senador ako’y hanga sa kanya,

Sa mga isyu nagsisiyasat talaga,

At buhay na buhay kapag nagpriprisinta,

Kay Tito Escalera walang pinag-iba.

Minsan isang hapon ako ay napahunta,

Aming tinalakay isang makontrobers’ya —-

Ang Reproductive Health Bill at para sa kanya,

If you’re using condoms, no conception’g problema.

Ako ay nag-agree at sinabi sa kanya,

Ang condom ay hindi contraceptive talaga,

Pagkat mga cells hindi naman magkikita

Kaya nga ang supot INTERCEPTIVE lang ba s’ya.”

Sa palagay ko kami ay nagkakaisa,

At ayon din sa tingin ng Papa sa Roma,

Na ang supot ni Hudas na condom lamang ba

Ang sagot sa lahat ng mga kontrobers’ya.

Dahil ang pills, injection at iba pa

Sa sperm at sa egg ay nakiki-party pa

At sila ang tipong mga konsintedora,

Hindi katulad ng condom na no mixing s’ya.

Pumapasok lang sa party’t nakamaskara,

‘Di mo makilala; masquerade ang drama,

Kaya nga ‘yang pagtatalo ay tigilan na,

Kahit saang side ka pa condom lang uubra.

Naaalala ko nuong ako’y bata pa —-

Isa sa unang larua’y lastiko’t goma,

Sinusuot sa braso at tinitrintas pa,

Ngayon sinusuotan ko’y naka-trintas na.

* * * * * * * * * * * * * *

Tito, Noynoy at Pepe — may similarity

Lahat sila’y maraming utol na babae,

Ops, si Tito pala’y walang utol na ate,

Meron lang s’yang brod na maraming babae!

Acheche!

AKO

AQUINO

FIRST LADIES

FIRST LADY

ISKUL BUKOL

LANG

TITO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with