^

Entertainment

Nothing but the fruit

ME, STARZAN - Joey de Leon -

Buwan ng mga puso narito na naman,

But why is it it is the month na kulang-kulang?

Tulad din ng love siguro na maligamgam;

Pabaga-bago timpla, hindi mo malaman.

Oh ang pag-ibig daw na makapangyarihan

Pag nasok sa puso hahamakin sinoman,

Ngunit ang pagpasok nito ay kadalasan

Kung saan-saang butas — bubukol sa tiyan.

Ano kaya ang pag-ibig sa Year of the Ox?

Kailangan kaya’y masipag ka’t mapusok;

Kailangan din kaya ang pasok nang pasok?

Susuwagin lahat -—sige, tusok nang tusok.

* * *

Sa dahilang nalalapit na nga talaga anibersaryo ng mahal naming programa,

Eat, Bulaga! sa taong ito’y magtre-treinta,

“Eat” is our topic today bilang pag-alala.

Eat fruits ang pag-uusapan para masustansya,

pampakinis ang prutas; s’yempre pampaganda,

aprub ang eating fruits gabi man o umaga,

‘wag lang sobra sa fruits — t’yak magfru-fru-rurots ka!

* * *

And inasmuch as one of our first slogans was “Hangga’t may bata, may Eat, Bulaga!,” here’s something for the kids about the legend of the Mangosteen. By popular acclaim, the Mangosteen is held to be the most delectable of all tropical fruits, and has been proclaimed their queen — the Durian vying with the Mango for the title of the king. This relationship goes beyond mere titles, because it is common wisdom to take the “cooling” Mangosteen after eating the “heaty” Durian. The perfect couple! Teka, hindi na yata pambata itong pinagsasasabi ko!

Isang Kilong Alamat ng Mangosteen

Nung unang panahon sa bayan ng San Antolin,

Mayrong isang mayaman ngalan ay Don Agustin,

Maganda ang lahi; galit sila sa gusgusin,

Puti lang gusto n’ya sa iba’y naririmarim.

Isang araw may isang matandang nakililim

Sa kanyang palasyo naghahanap ng gawain,

Nang malaman ng don ang maruming panauhin,

Sinigawan ito na bahay n’ya ay lisanin.

Mahinahon lumayo’t nag-iwan lang ng tingin

Ang matandang lalaking binilang na alipin,

Nang buong kapaligiran biglang nangulimlim,

Wari bagang may paghuhusga na paparating.

Si haring Saturpanmiti pala ang dumating,

Ang panginoon ng mga lamang-lupang itim,

At ang buong kabahayan nilamon ng dilim,

Ang dating palasyong bulak ay biglang nanimdim.

At mula nga noon ay naging kapansin-pansin

Ang dating napakaputing bahay naging itim,

Ang dating mataas at palalong Don Agustin,

Ang tawag na lang sa kanya ngayon ay Mang Gusting!

Kaya mula ngayon bigyan natin ng pansin

Ang prutas na mangosteen ‘pag inyo nang kakanin,

Kasaysayang may aral inyong alalahanin —

Ang ‘di natin kilala ‘wag nating hahamakin.

Ang sumpa ng dwende nag-iwan ng puti din,

Ginawang puti lahat ang bahaging kakanin,

Para magpaalala na ang puso’t damdamin,

Dapat laging busilak nating panatilihin.

Fruit mix

While the sappy at napakadagtang Caimito is also known as Star Apple, the Macopa is also called Malay Apple. Sometimes, it is also called Water Apple or Rose Apple. But what do you call the indentation at the bottom of an apple? It is called a calyx basin.

Chico is also known as Sapodilla

Lanzones is also known as Duku and Langsat

Longan is also known as Dragon’s Eye

Suha or Pomelo is also known as Shaddock

Papaya is also known as Paw Paw

Balimbing or Star Fruit is also known as Carambola

By the way, the rarely seen Mabolo is also known as Butterfruit. From butter to butt, now let’s talk of another indentation. Do you know the scientific name for your butt crack? It is called a natal cleft.

Teka, mukhang below the belt na naman si Starzan.

* * *

Tutal pinag-uusapan ay prutas na,

Dinedebate ito noong araw pa,

Eh ano ba ngayon tunay na nauna —

Dilaw na banana o apple na pula?

Ang sabi kasi sa mahal na Bibliya —

Mansanas noon ang kinain ni Eba,

Ang tingin naman ng mga taong Sciencia,

Dahil tayo’y galing tsonggo, saging una!

Ano palagay n’yo aking mambabasa,

Magsalita kayo’t ‘wag basta tumanga,

Pananalig ninyo itaya kumbaga,

Anak ka ba ng Dios — o isang unggoy ka?

Kung ako’y sasagot, ang aking hinuha —

Halos sabay na dumating ang dalawa,

Medyo una lang nang konti ang banana,

‘tapos kasi ni Adan ay si eba-ba.

Ang akin bang tinuran ay malalim ba,

O ito naman ba ay inyong nakuha?

Uulitin ko lang — una ang banana;

Hila-hila ni Adan medyo hilaw pa.

‘di nga nagtagal lumambot ang prutas n’ya,

Saging ni Adan binigyan ng kasama,

Dumating si Eba na napakaganda

At may mapintog na mansanas na dala.

At ang unang fruit salad d’yan nagsimula,

‘wag n’yo nang hanapin ang unggoy at wala,

Kumain nang kumain unang ginawa

At malamang ‘di kayo naniniwala.

Totoo ‘yan puro kain lang ginawa,

Araw at gabi walang kasawa-sawa,

Nang magka-anak pinangalan kaya nga

Cain! Cain! ano, kayo’y nabulaga!

* * *

Remember the original “Wow” show Wow, Mali!?

Wala lang, just remember. Anong malay n’yo, biglang bumalik sa Feb. 22!

ADAN

ANO

DON AGUSTIN

KNOWN

LANG

LSQUO

MDASH

NANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with