Why Dolphy broke up with Alma
Now, it is being told the way it happened — that is, why Dolphy broke up with Alma Moreno, mother of his son Vandolf. I know that back then, in 1988 when it happened, all kinds of versions came out, by and from different sources, but Dolphy kept mum. Until now.
In the book Hindi Ko Ito Narating Ng Mag-Isa as told to Bibeth Orteza, launched Wednesday night at The Fort, Dolphy is finally telling all. It’s a pity that Alma, whom close friends call Ness (from Venesa), was the only woman in Dolphy’s life who refused to be interviewed for the book, saying in a TV interview that she didn’t want “to tell a lie” (whatever she meant). She could have balanced things by telling her own story.
Anyway, I am printing the portion where Dolphy talks about his romance with Alma. (Thanks to Eric Quizon, Dolphy’s son who published the book as a tribute to his dad’s 80th birthday yesterday, July 25, for giving me the go-signal).
Here it is:
1981 ang bilang ko sa simula namin ni Ness. But before that, nagkapareha muna kami sa Titser’s Pet. Hindi ko masabing type ko na siya agad. Natapos muna ang pelikula, nag-outing kami ng grupo, nauwi sa sayawan. Ang disco, hindi lang mabilis na music ang tugtog, biglang nagkaka-slow drag.
Hindi ko intensyon na maging seryoso ang relasyon. Pirmero, parang barka-barkada. Then, nagbiyahe sina Baby at ang mga bata, si Ronnie lang naiwan. Habang wala sila, do’n kami naging close ni Ness.
Pag-uwi ni Baby, nalaman niya, so sinulatan niya ako. ‘Yon na. 1982, umalis ako sa Blue Ridge, nagsama kami ni Ness sa Greenhills. Pirmero kami lang, saka si Vandolf.
Ang nanay niya, mayro’n ibang bahay na inuuwian, pero natutulog sa amin kung minsan. No’ng nahiwalay ang kapatid niya, si Debra, nakasama rin namin, bago napunta ng US. OK pa iyon, ina at kapatid.
May mga good years kami. Our movies together did well in the box-office, at ilan din ‘yon, Good Morning Professor, My Funny Valentine, Tenteng de Sarapen, The Crazy Professor, at ‘yon na ngang launching movie ni Eric, ang Bata-Batuta. Medyo matamlay na kami sa last picture namin, and this was after Vandolf was born.
Ang nahirapan ako, do’n sa lifestyle niya. Hindi ko type ang palaging may tao sa bahay, mula umaga hanggang madaling-araw. Ibig kong sabihin, OK ang magkabisita, ang dalawin ka ng mga kaibigan mong reporter, pero naging araw-araw na ‘yon, at hindi lang dito sa Manila. Pag nasa Hong Kong kami, at hilig ko nga ‘yong nagpupunta ro’n para mapahinga, kasama pa rin namin ang mga reporter. At mga dancer. Pupunta kaming Amerika, gano’n pa rin.
Madalang na ako no’ng makipagbarkada. Bukod sa patay na si Ading, hindi ako mapakali pag naaalaala ko si Vandolf. Walang kasama ‘yong bata. Nag-iisa, sa malaking bahay na maraming 188 tao. Hindi pinalalapit ‘yon sa usapan ng matatanda, lalo pa’t may kabastusan ang mga biro, mga green jokes. Yaya lang ang kasama niya, e, matanda. Hindi makahabol, pag tumatakbo na ang alaga.
Magbo-bonding si Ness ng pamilya niya, ng mga bakla, ng mga dancer, at kahit minsan nakikipagtawanan ako sa kanila, may limitation. Papanhik na ako, aabutan ko si Vandolf, makikita kong nakadungaw sa ventanillang gano’n, naaawa ako. Kakalaruin ko ang bata. Habang naghaharutan kaming mag-ama, magpapaalam na sila, magdi-disco.
Hindi masyadong malapit si Ness sa mga anak. Pag ‘ando’n, OK. Pero mas involved siya sa barkada. Kaya kami ni Van ang naglalaro, magkatabing matulog, at magkasabay kumain.
Ang parang excuse no’n, kasi raw, may Loveli-ness. May show, na kailangang maya’t-maya ang meeting; katatapos pa lang ng palabas, meeting ulit para sa next. Pero nagka-TV shows din naman ako. Nag-specials na sunud-sunod, never namang nabulabog ang privacy ng pamamahay ko.
Active pa ang RVQ, ‘tinayo pa namin ang Rodessa, pero no’ng araw din, no’ng height talaga ng RVQ, hindi dumating sa gano’n karami ang araw-araw na nasa Blue Ridge na kailangang estimahin at pakisamahan.
Alam kong kailangan ng artista ang media. Lalo na ako at that time, since active movie producer pa ako, nagpapa-press con, and all. Pero looking back, sana lang, nakapag-draw ng boundaries. Hindi ko sila nilalahat. Mayro’n ding mababait do’n, na hanggang ngayon, pag nakikita ko, napi-feel ko ang paggalang nila at respeto. Kaya lang...
Natagalan ko ‘yon until 1989. Of course, alam na ng lahat na sa last two years, mayro’n na akong ibang mahal, pero bago pa ‘yon, muntik na kaming maghiwalay ni Ness, sa dahilang mas gusto ko na lang sarilinin. Tapos na ‘yon, tapos na rin kami, huwag na lang nating ungkatin. Puwede n’yo siyang tanungin, kung gusto ninyo, pero walang manggagaling sa akin.
Basta’t the first time na ginusto kong umalis at tapusin na ang relasyon namin, nag-impake na ako. ‘I know what’s going on,’ kako.
Umamin siya, humingi ng tawad, nakiusap na pumirmi ako. Pinagbigyan ko, alang-alang kay Vandolf, pero nawala na ang lapot ng samahan, naging malabnaw. Hanggang sa kinailangan na rin akong mag-decide.
Ang anak ko kay Ness
As usual, na-sacrifice ang anak, no’ng naghiwalay ang kanyang mga magulang. Pero pinakamatindi ito. Ang ibang mga anak ko, hindi ‘pinagkait sa akin ng kanilang mga ina.
No’ng umalis na ako’t nagpuntang US, maski sa telepono, nahirapan akong kontakin ang bata. ‘Tinawag sa akin ni Rene na gusto raw akong makausap ni Vandolf, ayaw raw ni Ness. Hanggang humagulgol na lang ako sa telepono. Hinahagod ako ni Zsa Zsa. Alam niya ang pinagdadaanan ko’t iyon din ang sa kanya.
‘Yong iyak na ‘yon, sama-sama ‘yon. Ang takot kong naiwan siya sa gano’ng lifestyle, ang awa ko na alam kong wala siyang kalaro, wala talagang nagke-care, at saka ang orchestrated attack laban sa amin ni Zsa Zsa, sa kaliwa’t-kanang bira ng mga movie press na kumampi kay Ness, na hindi man lang inalam ang puno’t dulo ng mga pangyayari. Masakit, masakit.
Nakiusap ako kay Mother Lily, baka pagbigyan siya ni Ness. At ‘yon na nga ang nangyari. Nakausap ko rin ang anak ko, nasa ospital no’ng tawagan uli ako ni Rene. Umiiyak ako talaga.
Pagbalik namin dito, hindi ko ulit alam kung saan siya naro’n. Inalis na sa Brent School sa Pasig. ‘Tinago sa kung saang iskuwelahan. Na-trace ko kung saan, pero ayaw ipakausap ng school authorities, dahil ‘yon daw ang kabilin-bilinan no’ng nanay.
Kinausap ko ‘yong principal, ‘Magandang umaga po, pasensiya na po kayo nagambala ko kayo. Siguro alam n’yo ang nangyayari sa buhay namin ni Vandolf at ng nanay niya. Matagal ko nang hindi nakikita ang anak ko, gusto ko lang ho sanang makausap sandali.’
Naramdaman yata ang sincerity ko at ang paghihirap ko bilang ama. Nilabas ng principal si Vandolf, hinarap sa akin. Iyakan na naman kami ro’n. Pamula no’n, do’n ko na pinupuntahan. Pag umaga, naka-abang na siya sa akin.
May one year ko na siyang hindi nakikita no’ng nadala ni Eric sa Music Museum, sa birthday show ko, in 1990. Na-appreciate ko ang ginawa ni Eric. Siya ang kumausap kay Ness, at humiling na maiharap niya sa akin ang kapatid, sa okasyon na ‘yon.
Ang dami kong nailuha sa batang ‘yan. No’ng naaksidente, bumigay ulit ako. Habang nagdarasal, parang one-on-one akong nakikipag-usap sa Diyos, nakikiusap, ‘Buhayin N’yo naman; bigyan N’yo ng chance na matikman pa ang buhay. Masyado pang bata para kunin.’
(I’m not making any further comment. Read the book and fall in love with Dolphy all over again. — RFL)
(E-mail reactions at [email protected] or at [email protected])
- Latest
- Trending