^

Entertainment

The baby ghost in Rita’s bedroom

FUNFARE - Ricky Lo -
It first appeared one night when Rita Avila was alone in her and husband (TV director) Erik Reyes’ bedroom, grieving for the baby she had lost in a miscarriage months earlier.

"I felt somebody jumping on one side of the bed," Rita told Funfare. "When I looked, I saw this little baby smiling at me playfully, jumping up and down. Before I could reach him, he disappeared. When I saw him again in another instance, he was with his parents."

Rita (and Erik) didn’t have any idea what the background of the baby ghost was but her friends concluded that Rita must have lost her baby (when Rita was two months pregnant) because of the baby ghost who was "jealous," not wanting to have another baby share Rita’s attention and affection.

"So what I did was talk and plead to the baby ghost to relent," said Rita. "I had him ‘exorcised’ out of our house."

Two years after she lost her baby, Rita is (four months) pregnant again, with a boy according to a recent ultrasound.

"I owe this baby to prayer," said Rita who made a devotion to the Sto. Niño (the one dressed in green).

But Rita (and Erik) won’t let go of the two baby dolls, named Pipoy and Mimay, which Rita would dress up and cuddle as if they were real babies as part of her grieving process.

"Some people thought I was out of my mind," laughed Rita. "What they didn’t know is that Erik and I had Pipoy and Mimay early in our marriage, even before I got pregnant the first time. Wala lang; laruan lang namin."

Besides the baby she’s due to deliver in November, Rita is also "conceiving" another one and it’s none other than the book for children she has been working on for several months now. (Note: Publishers who may be interested can contact Rita at landline 929-9846 or at e-mail [email protected] or [email protected].)

So it’s a "twin" delivery for Rita if and when.

I begged Rita (whose real first name is Ana Marie) to give Funfare a sample of her works and I chose the following poem-story entitled Si Erik Tutpik at si Ana Taba:
Si Erik Tutpik at si Ana Taba
Sina Erik at Ana ay magkababata,
Magkaibigang matalik, nakapagtataka.
Sa pangangatawan na lang, sila’y magkaiba,
Si Erik ay parang tutpik, si Ana ay mataba.

Dahil sa kanilang magkaibang pangangatawan,
Sila’y laging pinagtatawanan,
Ng mga salbaheng bata na wala namang alam,
Kundi ang mainggit, mang-asar at manlamang.

Minsa’y itinulak nila si Ana at ito’y nadapa,
Iniwan nilang mag-isa na pinagtawanan pa.
Si Erik man ay kanilang pinipintasan,
Pinagbubulungan at pinagkakaisahan.

Sina Erik at Ana’y di lumalaban,
Tatahimik lamang kahit masakit ang kalooban.
Panlaban ni Erik ay manalangin,
Si Ana’y iiyak, saka kakain.

Lagi silang tampulan ng tukso at pagkutya,
Panlabas na anyo lamang ang nakikita ng iba.
Ngunit marami silang di alam tungkol sa dalawa,
Sina Erik at Ana ay mga pinagpala.

Magkaiba man sila sa kanilang mga gawa,
Pareho naman silang may asal na maganda.
Si Erik ay masipag, si Ana ay tamad,
Bagamat pag siya’y nangako, ito’y kanyang tinutupad.

Maaga pa lamang, si Erik ay naglalakad na,
Kumukuha ng pagkain ng baboy na alaga niya.
Samantalang si Ana’y nakabulagta pa,
Panay ang hilik, bibig niya’y nakanganga pa.

"Bilisan mo!" bulahaw ng ama ni Erik,
Hanggang sa mga dala niya’y tumalsik-talsik.
Napabalikwas si Ana, mga mata’y nanlisik,
Nagising kasi sa ingay ng mga biik.

Oink! Oink! Oink! Ingay ng mga biik,
Sa mga binti ni Erik, sila’y nagsusumiksik.
"Ay mga alaga ko, sobra kayong makukulit!"
Binangga tuloy ni Inang Baboy si Erik sa Kanyang puwit.

Pagtanaw sa bintana, nakita ni Ana ang kaibigan,
Masipag itong nagtratrabaho kahit pawisan na.
Ni munting yamot sa mukha’y di kakitaan,
Kaya init ng ulo ni Ana’y napawi na nang tuluyan.

Biglang kumalam malaking tiyan ni Ana,
Sapagkat ito ay gutom na pala.
Dali-daling takbo sa kanilang kusina,
Kuha ng keso, tinapay, at mantikilya.

"Mano po inay, pupunta lang ako sa kabila,"
Natawa ang ina sa nakitang bitbit niya.
Ang matabang anak, buong kusina ata ang dala,
"Erik! Erik!" masayang sigaw ni Ana na kumakaway pa.

Napangiti si Erik sa kanyang nakita,
Pagkat di nakalimot sa ipinangako si Ana.
Na tuwing Sabado’y sila’y magsasalo,
Sa pagkaing masarap, tiyan nila’y tiyak lolobo.

"Bwahaha! Nagsama na naman si Tutpik at si Taba!"
Ito ang tukso ng mga salbaheng bata.
"Belat! Belat!" Sabay ng kanilang pandidilat,
Sila’y walang magawa kungdi manukso at manira.

Sina Erik at Ana ay nagkatinginan,
Pareho lamang ngumiti at nagkaintindihan.
"Sige Ana, ako ay sumusuporta,"
Kaya’t lakas loob tumayo’t lumapit sa kanila.

Iniisip ng mga ito’y aawayin sila ni Ana,
Ang iba’y natakot, ang iba’y umamba.
Natawa si Erik sa mali nilang akala,
Pakiramdam kasi nila lahat ng tao’y sing-sama nila.

"Wag n’yo kaming awayin,
Halina’t kami’y may sasabihin.
Pinaghanda ko rin kayo ng makakain,
Narito at inyong tanggapin."

Nagtaka ang mga bata sa kanilang nakita,
Maling asal nila, sinuklian ng tama.
Nahiya ang mga ito’t humingi ng tawad,
Mga ulo’y napayuko, sabay alay ng palad.

Kinamayan sila nina Erik at Ana,
Walang masabi, mga bata’y nakanganga.
Gulat na gulat sa kabutihang nadama,
Mga ginintuang puso ang nakita nila.

Masayang bumalik ang magkaibigang matalik,
Sa kanilang pagkain at pananahimik.
Bagamat magkaiba sa maraming bagay,
Silang dalawa’y laging mabuti ang pakay.

Kaya kayong mga bata,
Sa panlabas na anyo huwag humusga.
Kilalanin ang kapwa,
Nang ang gintong kalooban ang inyong makita.
* * *
E-mail reactions at [email protected]

ANA

ANA TABA

BABY

ERIK

KAYA

RITA

SI ERIK

SINA ERIK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with