^

Dr. Love

Masyadong generous

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love, 

Magkasintahan pa lang kami ng mister ko ay sobrang matulungin na siya. Minsan, kapag may lumapit na pulubi ay inaabutan niya ng beinte pesos. 

Malaking halaga na iyan noon nang ang karaniwang ibinibigay sa pulubi ay 25 centavos lang.

Ang ugaling ito ay dala niya hanggang ngayong mag-asawa na kami at may mga anak at apo na. 

Retired na kami pareho at umaasa sa pension at kita ng maliit naming tindahan.

Maraming nangungutang sa kanya, na madalas hindi na siya binabayaran. 

Kahit ba limangdaang piso lang ay malaking bagay na sa amin ngunit ipamimigay pa niya. 

Sabi niya, Diyos na ang magsusukli sa amin. 

Buti na lang at maski paano, natutulungan kami financially ng dalawa naming anak na nasa abroad. Paano ko mababago ang ugali ng asawa ko?

Buena

Dear Buena,

May dalawa ka-yong anak na nagtatrabaho abroad at may sustento sila sa inyo. 

Iyan ang sinasabi ng asawa mo na sukli ng Diyos sa tulong na ibininigay niya sa iba.

Huwag mong sawayin ang asawa mo sa paggawa ng mabuti dahil ginagamit siya ng Diyos na pagpalain ang iba.

Wala namang masama sa nakaugalian niyang pagtulong o pag-abot ng suporta sa kapwa. Sa katunayan ay nagiging makabuluhang tulay siya para mapadaloy ang kabutihan ng Diyos sa bawat nangangailangan sa inyong paligid.

Humahanga ako sa kanyang busilak na kalooban.

Huwag ka mangamba para sa inyong kalagayan. 

Dr. Love

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->