^

Dr. Love

Cyber blackmail

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

May dalawang taon na ang relasyon ko sa aking boyfriend at minsan nasabi niya na hindi niya papayagan na magkahiwalay kami.

Kaso nitong mga nakaraang araw ay nagpakita siya ng sobrang pagkaseloso na madalas ay talagang wala sa katuwiran.

Umabot ito sa puntong nasasakal na ako. Sa minsang pag-aaway namin ay nasabi ko sa kanya na makikipag-break na ako dahil hindi ko na makayanan ang nakakasakal na ugali niya.

Sinampal niya ako ng malakas at inilabas ang cellphone niya. Noon din ay ipinakita niya sa akin ang video namin na naghahalikan habang inaalis niya ang aking blouse.

Binantaan niya ako na gagawin niyang viral sa social media ang video namin kung hihiwalayan ko siya.

Natatakot ako ngayon at ‘di ko alam ang gagawin. Kapag nagsuplong naman ako sa awtoridad, malalaman ito ng buong pamilya ko, ayaw kong mangyari ito. Ano ang gagawin ko?

Cecille

Dear Cecille,

Hindi malulutas ang problema mo kung hindi ka gagawa ng aksyon laban sa pangba-blackmail ng boyfriend mo, na wala sa katinuan.  Huwag kang maglihim sa iyong mga magulang.

Mag-open ka sa kanila at hingin ang payo nila para maipatugis sa mga alagad ng batas ang lalaking iyan dahil sa krimen na ginawa niya.

Dr. Love

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->