^

Dr. Love

Biktima ng child abuse

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tatlong taon lang ako nang mabalo ang nanay ko. Wala pang isang taon nang namamatay ang tatay ko ay nag-asawang muli si nanay. Noong una ay mabait ang stepfather ko.

Pinababayaan ng nanay ko na siya ang magpaligo sa akin.

Nang dalagita na ako ay doon ko nahalata na hinihipuan ako ng amain ko sa maselang parte ng katawan na hindi ko naman binibigyan ng malisya.

Ngunit nang talagang mature na ang isip ko, ipinasya kong umalis na sa aming bahay. Nakipagtanan ako sa nobyo ko, bagay na ikinagalit ng amain ko.

Patay na ang nanay ko at kung tratuhin ako ng amain ko ay parang may kapangyarihan siyang manghimasok sa desisyon ko.

21 anyos na ako at desididong pakasalan ako ng nobyo ko.

Puwede ba akong hadlangan ng amain ko?

Celine

 

Dear Celine,

Stepfather mo lang siya at ikaw ay nasa legal age na.

Wala siyang karapatang manghimasok sa ano mang pasya mo.

Tama ang desisyon mo na humiwalay sa kanya dahil halatang pinag-iinteresan ka niya.

Kung plano na ninyong magpakasal ng nobyo mo, gawin na ninyo ito habang maaga.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with