^

Dr. Love

Pinaghiwalay, pinagtagpo muli

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Taong 1950 nang makilala ko si Carlota, nag-iibigan kami sa kabila ng mahigpit na pagtutol ng kanyang mga magulang.

Dahil dito, naisip namin na magtanan. Nagsama kami ng isang linggo pero natunton din kami ng kanyang mga magulang at pinaglayo.

Masakit ang aming paglalayo. Bago kami naghiwalay, nagsumpaan kami na hindi na kami mag-aasawa kung hindi rin kami ang magkakatuluyan.

Tumupad ako sa pangako at sinikap ko na lang na itaguyod ang aking sarili. May trabaho ako noon at pinag-aral ko ang aking pamang-king lalaki na parang tunay na anak.

Nag-asawa kalaunan ang pamangkin ko pero dahil totoong ama ang turing niya sa akin ay kinupkop nila akong mag-asawa hanggang sumapit ako sa edad na otsenta anyos. 

Nang magpasyang mag-abroad ang mag-asawa ay inilagak ako sa pangangalaga ng isa ko pang pamangkin.

Dahil hindi maganda ang trato niya sa akin, naglayas ako hanggang sa mapapad sa home for the aged.

Hindi ko inaasahan na malaking surpresa ang naghihintay sa akin doon.

Nagkita kaming muli ni Carlota. Hindi ko siya agad nakilala pero sa katagalan nang magkalapit kami ay nakilala namin ang isa’t isa.

Pareho kaming tumupad sa sumpaan. Dalaga pa rin siya bagama’t ngayon ay putol ang isang paa dahil naaksidente.

Nagpakasal kami at malaking selebrasyon ang naganap sa bahay-kalinga na kumukupkop sa amin.

Mabait sa amin ang tadhana, natamo namin ang kaligayahan sa kabila ng aming edad.

Domeng

Dear Domeng,

Dama ko ang kaligayahan ng puso ninyo ni Carlota. Tunay na ang nakatakda ay mananaig gaano man hadlangan ng iba’t ibang sirkumtansiya.

Naniniwala ako na wala sa edad ang magmahal at mahalin, nagsisilbing buhay na patotoo ang gaya ng kasaysayan mo rito.

Hangad ko na ang bawat araw ninyo ay puno ng kaligayahan at umaapaw sa pagmamahalan lalo na’t ngayon ay mag-asawa na kayo. Batid ko mahalagang mensahe ng inyong pagmamahalan sa ating mga mambabasa. Mabuhay ang bagong kasal!

Dr. Love

vuukle comment

LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with