^

Dr. Love

PWD ang nobyo

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Napaka-caring ng aking nobyo. Kaya naman abot-langit ang pag-ibig ko sa kanya. Computer web designer siya at malaki ang kinikita.

Isa lang ang depekto niya. Isinilang siyang may congenital defect. Isa siyang person with disability.

Maigsi ang kanyang kanang kamay.

Ngunit sa pag-uugali at pagiging responsable ay wala kang maipipintas. Mayroon siyang first cousin na ganoon din.

Sabi ng magulang ko, kung magkakatuluyan kami ay baka magkaanak din kami na kagaya niya. Iyan din ang sabi ng iba kong friends.

Kaya nangangamba ako na ipagpatuloy ang relasyon ko sa kanya. Sayang. Mabait siya at responsable.

Ano ang gagawin ko?

Loretta

Dear Loretta,

Ano ang gusto mong mapangasawa, isang buong-buo ang pisikal na katawan pero masama ang ugali o isang person with disability ngunit mabuti ang pagkatao?

May depekto man siya sa pisikal, marunong naman siyang maghanapbuhay at responsable kaya wala kang dapat ipangamba.

Ang mahalaga, mahal mo siya at mahal ka rin niya, at maganda ang kombinasyon ninyo upang bumuo ng pamilyang may magandang kinabukasan.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with