^

Dr. Love

Secret relations

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Itago no na lang ako sa alias na Betina, 28 years old at public school teacher. Ilang ulit na akong frustrated sa love life ko dahil lagi akong pinagtataksilan ng mga nakarelasyon ko.

Ngayon, may karelasyon ako na estudyante ko. Alam kong mahal niya ako. Nineteen anyos lang siya at lihim ang relasyon namin. Batid kong malaking eskandalo na puwede kong ikatanggal sa trabaho kapag nabisto.

Tuwing Linggo ng gabi kung magtagpo kami sa maliit na apartment na inuupahan ko. May halos isang taon na naming ginagawa ito.

Sa ‘di inaasahang pagkakataon, nakita ng isang co-teacher ko ang sikretong pagsadya ng estudyante ko sa aking bahay. Sabi ko lang, may personal na problema ang bata na kinunsulta sa akin. Natatakot ako na baka mabisto na ang ginagawa namin. Ano ang gagawin ko?

Betina

Dear Betina,

Wala akong tutol kung kayo ang magkatuluyan ng estudyante mo.  Pero sa kaso ng guro at estudyante ay malaking issue iyan. Hintayin mo na makapagtapos siya at kapag wala na siya sa poder mo bilang guro, doon ituloy ang relasyon at kung puwede ay magpakasal kayo para wala nang isyung pagpipistahan ang mga marites.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with