^

Dr. Love

Gustong dugtungan ang nakaraan

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kami ay high school sweatheart ni Andy pero sa kabila nang pangyayaring mahal namin ang isa’t isa, nakipag-break ako sa kanya dahil sa udyok ng aking mommy. Fifteen years old ako noon at seventeen naman si Andy. Ang sabi noon ni mommy makabubuting magtapos muna ako ng pag-aaral, para mas prepared at mas financially stable kami.

Kaya kahit hindi naman kami nagkakagalit, ang sabi ko sa boyfriend ko, cool off muna kami hanggang kapwa kami makapagtapos ng pag-aaral. At kung kami pa rin ang magkapalaran sa mga darating na bukas, bigyan niya ng bagong pagkakataon ang aming relasyon.

Pero hindi matibay si Andy sa tukso, nagkaroon na siya agad ng pamalit sa akin. Inihanda ko na sana ang aking sarili na talagang hindi kami ukol sa isa’t isa at mabuti na lang nakinig ako kay mommy noon. Hindi po naglaon at nakatanggap ako ng request sa social media mula sa kanya na gustong makipagkaibigan. Mula noon ay naging aktibo ang aming komunikasyon.

Nalaman ko na broken hearted siya sa ikatlong pakikipagrelasyon niya. Dahil nag-asawa ng foreigner ang huli niyang girlfriend at iniwan sa kanya ang kanilang anak.

Na-realize ko na nandoon pa rin ang pagmamahal ko sa kanya at nakahanda akong tanggapin siya para madugtungan ang aming nakaraan.

Pero sinabi niya na hindi pa siya handang magsimula uli. Tingin n’yo po ba gumaganti si Andy sa akin? Payuhan po ninyo ako.

Rose

Dear Rose,

Hindi ko masasabi ko gumaganti ang ex mo sa’yo, kung sa kabila nang pagpapakita mo ng intensiyon na magkabalikan kayo ay hindi pa siya ready.

Pero kung hindi man kayo magkabalikan, huwag mong panghinayangan ‘yun dahil you have a long way to go. Makakakilala ka rin ng lalaking mas karapat-dapat at certified binata na para sa’yo.

DR. LOVE

vuukle comment

ANDY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with