^

Dr. Love

Nabisto si DI

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako si Richie, isang dance instructor. Alam mo naman ang trabahong ito, may kasamang pambobola sa mga matrona lalo na kung mara-ming pera.

Nangangarap akong yumaman at ang pinakamadaling paraan ay makabingwit ng mayaman at matandang biyuda. Hindi nagtagal at nakilala ko si Merced, 67 anyos na siya at isang taon nang biyuda. Sa totoo lang, mayroon akong kasintahan na mahal ko. Madali kong napaibig si Merced pero hindi nagtagal ay nabisto niya ang balak ko. Ang girlfriend ko pala ay pamangkin niya at nang magkabistuhan ay pareho nila akong kinalasan.

Mahal ko ang aking tunay na girlfriend. Paano ako hihingi ng tawad sa kanya para magkabalikan kami?

Richie

Dear Richie,

Humingi ka ng tawad sa girlfriend mo at sa tiya niya na tinangka mong gawing palabigasan. Kung mapapatawad ka, ok magkabalikan kayo ng girlfriend mo. Pero kung hindi, tanggapin mo. Nawa ay naging gantong aral ang nangyari sa iyong buhay.

Dr. Love

vuukle comment

RICHIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with